Mayroong matibay na pagsasamahan sina James Reid at kanyang Half-sister na si Lauren simula pagkabata

Ang aktor, singer, songwriter, dancer at model na si Robert James Marquinez Reid or mas kilala sa pangalang James Reid ay 27 taong gulang at isang Filipino Australian. Kasalukuyang siya ay namamayagpag sa mundo ng showbusiness sa dami ng kanyang mga naging accomplishments.

Image courtesy: Lauren Reid/Instagram



Ang kanyang career ay nagsimula noong 2010 nang napabilang siya sa Big Winner ng programang Pinoy Big Brother: Teen Clash. Mas lalo pa siyang sumikat nang gampanan niya ang isang leading role sa pelikula na pinamagatang “Diary ng Panget” na kinabibilangan ng kanyang ka love team at dating kasintahan na si Nadine Lustre noong 2014.

Image courtesy: Lauren Reid/Instagram

Kilala din ang dating magkasintahan at Love team sa tawag na “JaDine” at hindi lamang iisang pelikula ang kanilang mga pinagbidahan, kasama na rito ang “This Time”, “Never Not Love You” at ang TV hit series na, “Till I met You” at “On the Wings of Love.”

Nito lamang nakaraang Enero ay nag-anunsyo ang dating magkasintahan at loveteam na sila ay hiwalay na matapos ang apat na taong pagsasama. Pagdating naman sa career ng aktor, matagumpay naman niyang nailabas ang kanyang 3 album na pinamagatang “James Reid” noong 2013, “Reid Alert” noong 2015 at ang kanyang album na siya mismo ang nag produce na pinamagatang “Palm Dreams” noong 2017.

Image courtesy: Lauren Reid/Instagram



Maliban sa kilalang aktor na si James Reid ay mayroon pang isang Reid ang gumagawa ng pangalan sa industriya ng showbusiness at ito ay walang iba kundi ang Half- Sister niya na si Lauren Reid.

Image courtesy: Lauren Reid/Instagram

Si Lauren Reid ay isang Filipina- Australian Model, Actress, Television host, at Blogger. Nagsimula si Lauren Reid sa kanyang professional career na modeling noong 2016 at sa taon din na iyon ay napasailalim siya sa Agency ng Viva Entertainment. Simula noon naging mukha na siya ng mga major Magazine Cover sa buong Pilipinas.

Pinanganak si James at Lauren sa parehong taon ngunit sa magkaibang ina gayunpaman ay suportadong suportado pa din ni James ang kanyang half-sister sa pagpasok nito sa showbusiness industry. Mapapansin natin na sobrang close ang dalawa tulad na lang din ng pagka malapit nila sa kanila pang ibang kapatid.

Image courtesy: Lauren Reid/Instagram

Kung ating bibisitahin ang social media account ni Lauren Reid mapapansin natin na sobrang close nila ni James at meron silang pag kakahawig sa lahat ng bagay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *