Ibinahagi ng isang netizen ang kwento ng kanilang naging tagpo ni Jericho Rosales at kung gaano kabuti ang aktor

Sa kabila ng kaniyang kasikatan, si Jericho Rosales ay nanatili pa ding mapagpakumbaba at ito ay pinatunayan ng kaniyang mga tagahanga. Noon lamang nakalipas na dalawang buwan ay nag-post ang isa sa mga tagahanga ni Jericho Rosales na si Dennish Dianne Adriano sa kanyang facebook account ng larawan kasama ang aktor ngunit hindi ang larawan ang hinangaan ng mga netizens kundi ang kwento sa likod ng nasabing larawan.

Image courtesy: Dennish Dianne Adriano



Kwento ni Adriano sa kanyang post sa facebook, na nakita niya si Jericho Rosales na naglalakad sa Edsa Shangri-La. Sino nga ba naman ang hindi ma-starstruck pag nakita mo ang nag-iisang Jericho Rosales, dali-dali niyang nilapitan ito upang humingi ng pabor na magpalitrato silang dalawa.

Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram

Ngunit nang kanyang lapitan ang aktor ay agad siyang tinanggihan sa kanyang hiling sapagkat ang aktor ay busy sa mga oras na iyon.

Salaysay ni Adriano:

“Me: Jericho! Pwede Papicture?”
“Siya: Wait, Ate. May hinahanap lang ako na store.”
“Me: Okay po,”

Image courtesy: Dennish Dianne Adriano

Sa nangyari na iyon, sino nga ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkalungkot pagkatapos tanggihan. Inakala pa ni Adriano na na-isnob siya ni Jericho sa kadahilanang hindi siya pinahintulutan na makapagpapicture rito.

Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram



Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram

Ngunit hindi inaakala ni Adriano na babalik si Jericho Rosales upang pagbigyan ang kaniyang kahilingan.

Salaysay ni Adriano:

“After 30 Minutes, habang nag aayos ako ng menus.”
“Jericho: Tara na, Ate! Picture na tayo!”
“Me: Omg! Binalikan niya ako!”

Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram
Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram

Ang post na ito ni Dennish Dianne Adriano na tagahanga ni Jericho Rosales ay biglang nag-trending sa Facebook. Base sa mga comment, ang litrato na iyon ay matagal na pala nakuhanan ni Adriano at gusto lamang niyang mag throwback kasama ang aktor.

Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram
Image courtesy: Jericho Rosales/Instagram

Sa ngayon ang post na ito ni Adriano ay umaabot na sa 427,000 na reaksyon at 35,000 na share.
Kung ating matatandaan ang aktor na si Jericho Rosales ay 39 taong-gulang na at kasal sa modelo na si Kim Jones at merong 18 taon gulang na anak na nagngangalang Santino sa kaniyang dating asawa na si Kai Palomares.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *