Nadine Lustre nagpahayag ng mga katagang “I’m not scared” at naging mas malakas sa kabila ng lockdown

Ibinahagi ni Nadine Lustre kung papaano siya naging malakas at matatag sa kabila ng lockdown.
Sa kalagitnaan ng krisis na nagaganap at kinakaharap ng ating bansa, maraming mga bagay ang ating naiisip na maaaring magpabago sa pananaw natin sa buhay.

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram



Tulad na lamang ng actress na si Nadine Lustre na nagpahayag ng kanyang pananaw na nakikita niya ang pag-asa sa kabila ng krisis na ating kinakaharap sa panahon ngayon at dagdag pa niya na mas lumakas at naging matatag ang kaniyang loob bilang isang babae.

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram

Sa isang interbyu sa kanya sa radio station na Monster RX93.1, sinabi ng actress na kaya na niyang tumayo sa sarili niya at malabanan ang takot ng pagiging mag-isa dahil sa community quarantine.

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram

Tugon ng actress “I’ve always been scared of being sad. I’ve always been scared of being alone, of being angry, of being anxious but I felt all of that because of the lockdown and I learned to handle all of it. Now, I can really say that I’m a stronger person now. Harder challenges are going to come but I’m not scared,”

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram



Dagdag pa ng actress, hinihiling niya at umaasa na sana madaming tao pa ang kanyang ma inspire na maging malakas sa darating pang pagsubok na nangyayare ngayon. Payo pa ng actress sa mga tagapakinig na huwag matakot sa emosyon na nararamdaman at patatagin ang kalooban sa kabila ng mga nararanasan ngayon sa kadahilanang ang lahat ng ito ay pagsubok lamang.

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram

“That’s the message for everyone as well. I want that to be my message for everyone as well. Just hang on. Stop doubting yourself… Just enjoy life, live life, feel everything. You can be sad right now, you can be anxious, you can be afraid, you can be like angry at something.

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram

But that’s what I realized din kasi because of the lockdown… everything I’ve been feeling is valid and let yourself feel it kasi that is what life is all about,” tugon ng actress.

Image courtesy: Nadine Lustre/Instagram

Kung ating matatandaan, si Nadine Lustre ay isang Advocate ng Mental Health at laging naghahanap ng paraan upang maipaabot ang kanyang kaalaman tungkol dito at mabigyan ng aral, muwang at payo ang mga tao tungkol sa isyu na ito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *