Sam Milby at Catriona Gray, ’Officially a thing’ na matapos ibahagi ng aktor ang sweet na litrato nilang dalawa

Hindi na naitago pa ng aktor na si Sam Milby ang kaniyang saya at kilig dahil sa kanilang nagbungang relasyon ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Image Courtesy: Instagram/samuelmilby



Bago sumapit ang May 23 kung saan ang ika-36th araw na kaarawan ni Sam Milby , may isang supresa si Catriona sakaniya kung saan biglaan niya itong binati sa isang Facebook Live Video ng Cornerstone Entertainment.

Image Courtesy: Instagram/catriona_gray

“Hey Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. Many birthdays. More happiness. You are loved by so, so many!”, masayang bati ni Catriona kay Sam Milby.

Image Courtesy: Instagram/catriona_gray

Nagulat ang aktor at hindi napigilan ang kilig na kaniyang naramdaman dahil hindi niya inakala na bigla siyang babatiin ni Catriona sa Facebook Live Video. Kaya naman sa gulat ng aktor ay nahiya ito at tila hindi alam ang kaniyang sasabihin kaya napayuko na lamang ito at nagpasalamat kay Cat.

“Basta I’m kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko inexpect talaga na magmessage. Thank you. Yes you are very special, very special,” sagot ni Sam.

Image Courtesy: Instagram/samuelmilby

Sa araw ng kaniyang kaaarawan, May 23, muling pinakilig ni Sam Milby ang mga netizens nang biglaan itong magpost ng isang Instagram photo na may kasamang isang babae kung saan hawak hawak niya ang bewang nito at tila nakahalik ang aktor sa noo ng babaeng ito.

Marami ang nagulat sa kaniyang Instagram post at ilang celebrities rin ang nagkomento tungkol sa larawan na kaniyang ibinahagi. Ito na nga ang big revelation ni Sam na ‘officially a thing’ na ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray at aktor/singer na si Sam Milby.

Image Courtesy: Instagram/samuelmilby

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” caption ni Sam sa kaniyang Instagram post na nagpapakita ng isang polaroid shot kasama si Catriona.

Image Courtesy: Instagram/catriona_gray



Sa kaniyang post na ito ay tila ba si Sam Milby na mismo ang nag kumpirma na silang dalawa ay nagkamabutihan na at lumevel up na ang kanilang relasyon.

Image Courtesy: Instagram/catriona_gray

Taong 2018 pa lamang ay kumakalat na ang ilang usap usapan na nagkikita na si Cat at Sam subalit hindi ito kinumpirma ng dalawa. Nagpatuloy ang ilang usap-usapan na patuloy ang kanilang pagkikita taong 2019 sa mga panahong walang trabaho ang dalawa. Subalit para sa kanilang privacy ay mailap ang mga ito na magbigay ng pahayag.

Image Courtesy: Instagram/catriona_gray

Sa isang panayam ni Catriona Gray sa ‘Tonight with Boy Abunda’, ibinahagi lamang nito na madalas raw silang nagkikita ni Sam dahil na rin parehas ang kanilang church na pinupuntahan at sila ay parehas rin na nasa iisang management nagta-trabaho kaya nanatili raw silang magkaibigan.

Image Courtesy: Instagram/samuelmilby

Subalit ikina-kilig ng lahat ng ibinahagi na mismo ng aktor ang kanilang litratong dalawa sa araw ng kaniyang 36th Birthday. Kumpirmado rin na alam na ito ng ilang mga celebrities dahil masaya sila at sa wakas ay naibahagi na ni Sam ang kanilang secret romance sa publiko.

Mabuti na lamang at nanatili silang pribado sa kanilang namuong pag-iibigan at siyang natuloy ito matapos ang isang taon na pagkakamabutihan.

Image Courtesy: Instagram/samuelmilby
Image Courtesy: Instagram/catriona_gray

Hindi rin mapigilan ang kilig at saya ng mga netizens lalong lalo na ang mga sumusuporta kay Catriona dahil inaabangan ng halos lahat ang susunod na love story ni Miss Universe 2018. Congrats Sam and Cat! We’re so happy for you!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *