PBB Big Winner na si Slater Young at kaniyang asawa na si Kryz Uy, ipinasilip ang napakalaking mansion sa Cebu

Kung naalala niyo pa siya, nakilala si Slater Young sa PBB at nanalo ito bilang ‘Big Winner’ sa bahay ni Kuya. Matapos ang ilang taon na pagsasama ay ikinasal na ito sa kaniyang longtime partner na si Kryz Uy, isang sikat na Blogger at Youtube influencer.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie



Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Ipinagpatuloy ni Slater ang pagiging Civil Engineer hanggang sa naging CEO at founder ito ng isang kumpanya na ‘Liteblock’, isang manufacturer ng environmentally friendly concrete blocks na ginagamit sa mga construction projects kaya naman hindi ito nahirapan na itayo ang kaniyang dream house.

Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Bilang practicing Civil Engineer, naisakatuparan ni Slater ang bahay nila ni Kryz at naitayo ang industrial minimalist house na ito taong 2019 ilang buwan matapos ang kanilang kasal.

Image courtesy: Instagram/thatguyslater

Sa isang vlog ni Kryz, ipinakita niya mismo ang loob ng kanilang Cebu Mansion na tinatawag nilang ‘skypod’ kung saan nakatayo ang bahay na ito sa taas ng bundok. Minimalist ang disenyo nito at ang ilang materyales na kanilang ginamit ay concrete, wood at metal fixtures na siyang nagbigay ng sleek and clean design sa buong mansion.

Image courtesy: kryzuy.com

Simple lamang ang itsura ng harap ng kanilang bahay kung saan may malaki itong entrance door at garage park para sa kanilang mga sasakyan. Subalit pagpasok mo sa loob ay makikita mo agad ang napakagandang tanawin dahil binubuo ng malalaking transparent glass windows ang loob ng mansion.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie

Kwento nilang dalawa, mas gusto raw nila na maraming natural light ang papasok sa loob ng kanilang bahay kaya napagdesisyunan ng mga ito na gawin itong glass house kahit alam nilang napakainit nito pagdating ng summer season.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie

Simple lamang ang disenyo ng kanilang living room kung saan mayroon itong malaking TV at white sofa kung saan dito sila madalas magrelax. Pagdating naman sa gitna ng bahay ay dito nakalagay ang kanilang clean kitchen kung saan madalas magluto ng breakfast meals si Kryz. Habang ang dirty kitchen naman ay nakalagay malapit sa kwarto ng kanilang mga househelpers.

Image courtesy: Youtube/KryzUy
Image courtesy: Youtube/KryzUy



Bukod dito, ilan sa mga magagandang feature sa kitchen na ito ay ang kanilang mamahaling refrigerator, defrosing appliance, automatic faucet at coffee machine na talaga namang mamahalin ang mga presyo.

Image courtesy: Youtube/KryzUy
Image courtesy: Youtube/KryzUy

Katabi ng kitchen ay ang kanilang sariling Gym kung saan nakaharap ito sa transparent glass na tanaw ang kanilang swimming pool.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie
Image courtesy: Instagram/kryzzzie

Kulay gray, black at white ang color theme ng kanilang mansion na siyang nagbibigay ng minimalist at industrial look. Habang ang ilang cabinet handles at faucets naman ay nilagyan nila ng touch of gold upang maging feminine ang look nito dahil nais ni Kryz na magmukha itong elegant at classy.

Image courtesy: kryzuy.com

Isa rin sa pinaka simpleng parte ng kanilang bahay ay ang Master’s bedroom na nabubuo rin ng glass windows at nakaharap rin ito sa magandang view. Ang kwarto na ito ay mayroon lamang isang malaking kama, relaxing chair at ilang art design. Wala rin itong tv dahil kwento ng aktor ay ayaw raw nito ang mayroong distraction sa kwarto dahil ang kanilang Master’s bedroom ay para lamang sa pagtulog. Kaya iniiwasan nito na magkaroon ng entertainment devices sa loob upang marelax siya sa tuwing oras na ng pagtulog.

Image courtesy: Youtube/KryzUy

Isang magandang parte rin ng mansion ay ang walk-in closet ni Kryz na mayroong automated lights sa loob ng kaniyang mga cabinets. Dahil isang fashion vlogger si Kryz, sinigurado niya na mayroong paglalagyan ang mamahalin nitong mga gamit tulad ng bags and shoes.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie
Image courtesy: Instagram/kryzzzie

Prepared rin ang dalawa para sa kanilang growing family kaya mayroon na rin itong baby’s room at isang guest room para sa kanilang mga bisita. Mayroon rin itong working room kung saan madalas nagtatrabaho si Kryz sa at nagse-set up ng video station para sa kaniyang Youtube Vlogs.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie
Image courtesy: Instagram/thatguyslater
Image courtesy: Instagram/kryzzzie
Image courtesy: Youtube/KryzUy
Image courtesy: Instagram/kryzzzie

Bukod doon, nakahiwalay naman ang kwarto ng kanilang mga househelpers kung saan mayroon itong open space para sa kanilang laundry area at dito rin nakalagay ang kanilang pantry at dirty kitchen.

Image courtesy: Instagram/kryzzzie

Napakaganda talaga kung titignan dahil simple lamang ang kanilang bahay at kakaunti lamang ang mga kagamitan subalit makikita mo na bawat gamit at materyales ay talagang mamahalin. Isang dream come true ang bahay na ito para sa Civil Engineer na si Slater dahil naging hands on talaga ito mula sa pagplano hanggang sa pagpapatayo nito. Napakasarap nga naman tumira sa kanilang skypod mansion!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *