Robin Padilla, sobrang Playful at Hands-on pagdating sa kaniyang mga anak na si Isabella at Gabriela

Kilala bilang “bad boy” ng pelikulang Pilipino si Robin Padilla dahil sa kaniyang angas at makisig na aura pagdating sa mga palabas nito. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagiging bad boy ay isa naman siyang maginoo at mapagmahal na ama at asawa sa totoong buhay.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla



Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Kung gaano siya ka-angas sa kaniyang mga pinoy movies ay siya namang ka-gentle at soft spoken sa kaniyang mga anak lalo na at hands-on dad si Robin kung saan madalas din na siya ang nagbabantay sa mga ito.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Lagi siyang naglalaan ng oras para sa mga ito sa kabila ng pagiging abala sa kanyang trabaho bilang artista. Mas inuuna niya ang kaniyang pamilya kaysa sa trabaho dahil ito raw ang kaniyang top priority sa kaniyang buhay.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Hindi mo aakaalin na ang Robin Padilla na kilala natin ay napaka-playful at sobrang bait pala sa kaniyang anak. Bukod doon, kung ano raw ang mga gusto ni Isabella ay siyang pinagbibigyan ni Robin basta ito ay safe at healthy para sa kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla



Ayon kay Mariel, ang favorite playmate ni Isabella ay ang kaniyang Daddy Robin dahil talagang nakikipaglaro ito na tila ba sila lamang dalawa ang nagkakaintindihan at nagkakasiyahan.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Sa katunayan kahit na mayroon silang mga househelpers para linisin ang playground ni Isabella ay mas pinipili raw ni Robin na siya mismo ang mag-aayos at naglilinis ng playhouse ng kaniyang anak upang masigurado niya na safe ito at malinis sa tuwing gagamitin ni Isabella.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Si Robin mismo ang nagplano na tayuan ng playhouse si Isabella dahil nais niyang maranasan ng kaniyang anak kung ano ang mga naranasan ng mga kapatid nito noon. Swerte raw ang ibang anak ni Robin na lumaki sila sa ibang bansa kung saan nakakalanghap ng fresh air at malayang nakakapag laro sa park. Habang kay Isabella ay hindi raw ito magawa ni Robin sa Pilipinas kaya siya na mismo ang nagplano na itayo ang playhouse.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Tila napakaswerte ni Isabella at ni Gabriela sa kanilang Daddy Robin dahil talagang ito ay hands-on pagdating sa kaniyang mga anak at sisiguraduhin na lumaki ang mga ito na may maibabaon na happy memories sa kanilang childhood.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Goodjob Robin! You are a great Father!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *