Malaki ang kinikita ng dating Streetboys member na si Spencer Reyes sa pagiging bus driver sa Scotland

Nakapanayam ng DZRH noong Mayo ang dating miyembro ng Streetboys na si Spencer Reyes na ngayon ay nasa Scotland na. Noon palang 2008 ay nanirahan ang kilalang dancer sa England at naisipan lumipat lamang noong 2014 sa Scotland kasama ang kanyang asawa at ang kanyang dalawang anak.

Image courtesy: lifestyle.abs-cbn



Siya ay dating nurse sa England at naisipan na mag-aral ng Electrical Engineering, Plumbing and Heating sa isang vocational school at nang siya ay lumipat papuntang Scotland nag apply naman ang dancer na si Spencer Reyes bilang isang bus driver. Ibinahagi ni Spencer Reyes na ang hirap pumasok bilang isang bus driver sa Scotland dahil sa dami na dapat pagdaanan na pagsusulit.

“After that, pumasa ka dun. Then, nagka-idea ako…nakapasa ako as bus driver, hindi agad ako kinuha. Kailangan kumuha ako another license for bus. I need to study again for almost 6 months, review again. Kailangan maipasa mo yung hazard and theory, tapos another…almost 10 na online test na mapasa mo yun.”

Image courtesy: Ping Reyes/Instagram

“Pag hindi mo mapasa isa dun, hindi ka magiging bus driver dito.”
“Saka dapat okay ang memory, kasi pag tinuro sa iyo ng once, kailangan mo ng pasikut-sikot dito. Hindi ganun kadali,” pahayag ni Spencer Reyes.”

Ibinahagi din ng dancer na si Spencer na malaki ang kinikita ng isang bus driver sa Scotland at di lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho bilang isang driver at kakaonti lang din ang mga asyano na nakakapasa sa mga pagsusulit. Dagdag pa niya na kahit naka lockdown din ang Scotland dahil sa pandemya ay patuloy pa rin ang kanilang trabaho upang maghatid ng mga frontliners sa kanilang mga destinasyon.

Image courtesy: Ping Reyes/Instagram



“Essentials ako dito eh, nagda-drive ako ng bus. Kailangan ko magdala ng mga nurse sa hospital eh. Ako yung naghahatid ng mga nurse na nagtatrabaho sa hospital. Naka-mask, naka-PPE, makapal yung glasses ko.”

“Everytime na sumasakay ako…kasi yung bus namin merong wall na glass which is safe. Every ano…sina-sanitize yun eh..pati mga lahat hawakan,” pahayag ni Spencer Reyes.

Image courtesy: Ping Reyes/Instagram

Dagdag pa ni Spencer na meron siyang mga social media account at other platform upang makapagbahagi siya ng iilang kaganapan sa kanyang buhay at minsan sumasayaw rin siya upang mapaunlakan ang kanyang mga tagahanga at dahil din sa kadahilanang namimiss na niya ang showbiz.

Kahit nasa ibang lugar na ang dancer na si Spencer ay mayroon pa din silang komunikasyon ng mga ka miyembro niya sa Streetboys at madalas sila nagkakaroon ng meeting sa Zoom kasama ang kanilang manager na si Direk Chito Rono.

Image courtesy: Ping Reyes/Instagram

Nagagalak ang dancer na siya ay nakapanayam upang maipalaam din niya sa kanyang mga tagahanga na siya ay nasa UK at kanyang itinanggi na siya ay naghohost sa Japan o sa Amerika.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *