Kilalanin ang napakagandang asawa ni Michael de Mesa na labintatlong taon ang age gap sa kaniya

Tunay ngang hindi mo maaaring husgahan ang isang aktor sa mga ginagawa niya sa harap ng camera dahil madalas salungat ito sa kanilang totong ugali. Matipuno man at matapang ang mga papel na ginagampanan ng beterang aktor na si Michael de Mesa sa kanyang mga pelikula noon, mayroong soft side pala ang aktor lalo na pagdating sa kaniyang napakagandang asawa.

Image courtesy: Instagram/julie_eigenmann



Image courtesy: Instagram/mdemesa24

Hindi man pinalad ang relasyon ng aktor sa kaniyang dating partner na si Gina Alajar, sinuwerte naman siya at hindi niya inakala na matatagpuan niya pala ang kaniyang soulmate na si Julie Reyes Eigenmann, isang former dancer/choreographer ng hotlegs.

Image courtesy: Instagram/mdemesa24
Image courtesy: Instagram/mdemesa24

Nagsimulang magkakilala ang dalawa taong 2010 kung saan naging magkaibigan ang dalawa hanggang sa nagkaroon sila ng espesyal na relasyon. Madalas magkita ang dalawa para kumain sa labas o di kaya naman ay mamasyal kaya naman mas lalo pa nilang nakilala ang isa’t isa.

Image courtesy: Instagram/julie_eigenmann

Noong taong 2011 ay nagdesisyon ang dalawa na pumunta ng Amerika para doon nagsimula ng panibagong buhay at iniwan ni Michael ang showbiz habang si Julie naman ay naghanap ng ibang pagkaka-abalahan maliban sa pagsasayaw. Naging maayos ang kanilang pamumuhay sa Amerika ngunit noong taong 2015 ay nagdesisyon silang bumalik ng Pilipinas dahil mas gusto nilang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Image courtesy: Instagram/julie_eigenmann

Kahit na may 13 years age gap ang dalawa, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan dahil ayon sa kanila ay parehas silang nagkakasundo sa kanilang mga hilig tulad ng pagtravel at pag workout. Kahit na nasa edad 60 na ang aktor, active pa rin ito sa kaniyang physical exercises kung saan madalas sabay sila ng kaniyang asawa na si Julie sa pag eehersisyo. Habang si Julie naman ay napanatili ang kaniyang youthful glow at magandang hubog ng katawan dahil na rin sa pagiging isang choreographer.

Image courtesy: Instagram/julie_eigenmann



Image courtesy: Instagram/mdemesa24
Image courtesy: Instagram/julie_eigenmann

Sa kasalukuyan ay masaya ang buhay ng aktor kasama si Julie kung saan mas ramdam nito na napapabata pa siya lalo tuwing kasama ang kaniyang asawa. Napagsasabay rin ni Michael ang kanyang trabaho bilang isang aktor, Ama sa kaniyang mga anak at asawa kay Julie.

Image courtesy: Instagram/julie_eigenmann
Image courtesy: Instagram/mdemesa24

Isang bagay kung bakit mas lalong minahal ni Michael ang kaniyang asawa ay dahil sobrang maalaga raw si Julie sa kaniya lalo na at ilang taon rin itong nakaranas ng hirap sa pagkakaroon ng Hepatitis C, isang kondisyon kung saan maaaring sirain ang atay ng isang tao.

Image courtesy: Instagram/mdemesa24

Ayon sa aktor, si Julie ang tumulong sakaniya upang magkaroon ng healthy lifestyle kung saan naging hepa C-free ito dahil sa lifestyle choice na kaniyang ginawa. Sinigurado raw ni Julie na nageehersisyo si Michael tuwing umaga at inilayo niya ito sa mga unhealthy foods tulad ng sobrang oily na pagkain at mga processed food. Dahil sa kaniyang tiyaga sa pag-aalaga sa aktor, sobrang thankful ni Michael na naging healthy ang buhay nito at natuto siya sa pag-aalaga ni Julie.

Image courtesy: Instagram/mdemesa24
Image courtesy: Instagram/mdemesa24
Image courtesy: Instagram/mdemesa24

Makikita mo sa mga mata ng dalawa na inlove na inlove pa rin sila sa isa’t isa lalo na at mas madali na ang kanilang buhay ngayon dahil focus na lamang sila sa kanilang relasyon at sa kanilang mga apo habang ang kanilang ibang anak naman ay mayroon na ring kaniya-kaniyang buhay. Kitang-kita din sa mga larawang ibinabahagi ng dalawa sa kani-kanilang Instagram account kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa na talaga naman hinahangaan ng mga netizens.

Image courtesy: Instagram/mdemesa24

Age doesnt matter nga talaga! Sinong mag-aakala na mahahanap pa pala ni Michael ang kaniyang soulmate na siyang makakapagfulfill sa kaniyang buhay. Love will find its way ika nga ng iba!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *