Hanggang ngayon ay hindi ipinapahawak ni Sunshine Cruz sa kaniyang mga anak ang kanilang mga Bank Accounts

Si Sunshine Cruz ay isa sa mga showbiz mom na talaga namang hinahangaan ng publiko lalo na at  kaniyang kinaya na itaguyod ng maayos ang kaniyang tatlong anak na babae sa kabila ng mga kontrobersiyal na nangyari sa kaniyang relasyon.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718



Sa ngayon ay unti-unting bumabalik si Sunshine sa show business at may pagkakataon nga na nakakasama niya ang mga dalagitang anak sa tuwing gumagawa siya ng ilang mga commercial shoot. Isa na nga dito ang Em-core Dotnet endorsement na pinangungunahan ni Sunshine kasama ang ilan sa mga ma-impluwensiyang tao sa bansa.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Maliban sa mabubuting asal na kaniyang itinuturo sa mga ito ay mahigpit din ang aktres pagdating sa pagkakaroon ng ipon ng kaniyang mga anak lalo na at nagsimula na ang karera ng panganay na anak nito kung saan nagkaroon na rin siya ng ilang projects sa industriya.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Nais niya kasing matuto ang mga ito kung papaano pahalagahan ang mga kinikita nilang pera at maglaan ng ipon na maaari nilang magamit sa kanilang future. Sa katunayan, pinatutuhanan ito  ng kaniyang bunsong anak na si Chesca sa isang interview.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Ayon sa bunsong anak ni Sunshine, may kaniya-kaniya raw silang bank account subalit hanggang ngayon ay wala pa rin silang access sa kanilang mga ipon doon.

“We don’t have accesss to our bank accounts yet becuase our mom think that it’s good for our future. And we also think that we need to save. Sometimes, we get baon for school…” pagbabahagi ni Chesca sa isang interview.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718



Nasa 200 pesos raw ang kanilang baon araw-araw sa eskwelahan at isang ipon challenge nito ay ang pagtabi ng 100 or 50 pesos araw-araw kung saan kaniyang ginagamit sa tuwing siya ay lalabas kasama ang kaniyang mga kaibigan.

“We use our own money. We don’t need to ask our mom,” dagdag pa nito.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Para kay Sunshine, mahalaga ang i-prioritize kung ano lamang ang kanilang mga kailangan lalo na at hindi laging mayroong trabaho ang aktres sa industriya. Sa tuwing ito raw ay magkakaroon ng raket o project, ibinabahagi ni Sunshine ang kaniyang mga kinita sa pamamagitan ng pagbili ng mga gusto ng kaniyang mga anak.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Ganoon pa man, masayang ibinahagi ng aktres na maagang naunawaan ng mga bata ang kaniyang mga itinuturo at nagugulat nalang siya na sa 200 pesos na baon ng mga ito sa paaralan ay nakukuha nilang makapag-ipon.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Ang kanilang mga ipon ay kanilang ginagamit rin sa tuwing mayroong espesyal na okasyon tulad ng Christmas, Valentine’s, Birthday at Mother’s Day kung saan madalas may regalo ang mga ito sa kanilang Mommy.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Ibinahagi rin ni Sunshine na maagang namulat ang kaniyang mga anak sa paraan ng kaniyang pag-budget bilang single-mom at masaya siya dahil nauunawaan ng mga ito ang kaniyang mga payo. Sa kabila nito ay nagkakaroon padin ng bonding ang mag-ina at sinisiguro ng aktres na makapag-travel sila out-of-the country kada taon kahit na busy ang schedule ng aktres.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718
Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Sa kasalukuyan ay suportado ni Sunshine ang mga hilig ng magkakapatid lalo na ang pagpasok nila sa showbiz. Ang panganay na si Angelica ay isa ng recording artist sa ilalim ng Universal Records at nais rin sumunod sa yapak ng kaniyang pangalang anak na si Samantha.

Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718
Image courtesy: Image courtesy/sunshinecruz718

Samantala, ang bunsong anak naman na si Chesca ay mas pinagtutuunan muna ng pansin ang kaniyang pag-aaral at bukas rin ito sa posibilidad na pagsunod sa yapak ng kaniyang ina at mga kapatid sa industriya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *