Marian Rivera-Dantes nagpahinga muna sa pagiging ina upang makipagdate sa kaniyang asawa na si Dingdong

Sabi ng nakararami, mahirap daw ang buhay may asawa, kasi nahahati ang oras mo, lalo na kung may anak na kayo. Pero may mga iilan ding kaya namang ipagsabay-sabay ang kanilang mga gawain para sa kanilang mga asawa at sa kanilang anak.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Hindi ibig sabihing may mga anak na ay napapabayaan na rin ni misis si mister. Katulad nalang ng ginawa ni Marian Rivera. Upang magkaroon sila ng oras ni Dingdong ay nag day-off muna ito sa pagiging nanay ng kanyang dalawang bulinggit na si Zia at Ziggy.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Ginugol ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang panandaliang oras upang mag date sa kanilang sariling bakuran. Inayos nila ito na parang isang first class na restaurant at magkasamang nag enjoy habang umiinom ng wine na may kasama pang musika.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Nagawa na lamang ito ng mag- asawang Marian at Dingdong sa kadahilanang hindi pa maaaring makakain sa mga restaurant dahil sa lagay ng bansa dulot ng pandemya. Karamihan kasi ng mga restaurant ngayon ay hindi tumatanggap ng service na dine in para makaiwas ang lahat sa posibleng mangyari kaya naman lahat ng services nila ay take out, samantalang ang iba naman ay hindi na naisipang magbukas upang makaiwas.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Gayunpaman, ang venue ng date ng mag- asawang Dingdong at Marian ay Spanish-Themed, pahayag ng aktres “Day off muna si nanay! Date muna with Mi Amor, quality time kahit nasa bahay lang ???? Made a simple yet special invitation para sa spanish themed date namin with food cooked by yours truly! Naks tamis tamisan…”

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Kung ating titingnan sa mga effort na ginagawa ni Marian sa kanyang asawa at mga anak masasabi na lang ng nakararami na siya ay isang super mom at super misis pa.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Makaraan ang ilang oras ng kanilang bonding ng mag- asawa, sila naman ay naghanda ng pagkain para ipamigay sa mga frontliners. Pahayag ng aktres sa kanyang social media account “Arroz ala Cubana with boiled egg naman tayo ngayon para sa lunch ng ating frontliners at the checkpoints.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

We used Ate Glenda’s recipe and these meals will be delivered to Lingayen Pangasinan and Pasay. Thank you Mahal @dongdantes for distributing in Pasay”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *