Ipinagdiwang sa kanilang tahanan ni Mariel Padilla ang ika-6 na buwan ng kanyang anak na si Gabriela

Wala nang hihigit pa sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina sa kanyang mga anak. Kaya naman lahat ng paraan ay ginagawa upang makitang masaya ang mga anak. Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Mariel Padilla na asawa ng aktor na si Robin Padilla na sa kabila nang nararanasan ng bansa na pandemya ay nakahanap pa din ng paraan upang ipagdiwang ang ika-6 na buwan ng kanilang anak na si Gabriela.

Image courtesy: Mariel Padilla/Instagram



Si Mariel Padilla ay ina ng dalawang anak niya na si Isabella na 3 taon gulang at Gabriella na 6 na buwan gulang pa lamang. Ang aktres at ang kanyang asawa na si Robin ay mayroong tradisyon na kung saan sila dapat ay nagdiriwang kada buwan simula ng kapanakan ng kanilang mga anak dahil ito ay nagsisilbing palatandaan ng kanilang mga paglaki at pagdiriwang ng buhay mismo na ibinahagi sa kanila.

Image courtesy: Mariel Padilla/Instagram

Katulad din ng ibang pamilya at mga ina, para sa kanila ay kasiyahan ang makitang masaya at espesyal ang mga unang buwan ng kanilang mga anak sa mundong ito kung kaya hindi na nila hinihintay umabot ng isang taon ay ipagdiriwang na nila ang kaarawan ng kanilang mga anak.

Image courtesy: Mariel Padilla/Instagram

Ang aktres na si Mariel ay lubos na nagpapasalamat sa bawat buwan na kasama niya ang kanyang asawa at mga anak at para sa kanya ang mga ito ay isang regalo na hindi mapapantayan ng kung ano mang bagay na nasa paligid niya.

Image courtesy: Mariel Padilla/Instagram



Dahil din sa kanyang mahirap na kalagayan ng kanyang pagdadalang tao sa kanyang dalawang anak, ang selebrasyon na ito ay pasasalamat dahil hindi siya pinabayaan at nairaos niya ito na walang problema at nabiyayaan ng dalawang malulusog at magagandang chikiting.

Image courtesy: Mariel Padilla/Instagram

Kung ating matatandaan ang kanyang bunsong anak na si Gabriela ay ipinanganak noong Nobyembre. Sa kabila ng mga nararanasan ngayon ng ating bansa ay nakahanap pa din ang magaling at matiyagang ina na si Mariel ng paraan upang makapaghanda ng party para sa kanyang mga anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *