Napakaganda na ngayon ng dalagang anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan at independent na sa pag-aaral sa New York

Kilalang-kilala si Frankie Pangilinan o Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan mula noong bata pa lamang ito dahil madalas itong isinasama ni Sharon Cuneta sa kaniyang mga guesting at TV shows noon kung saan kasama na rin ang bunsong anak ng aktres na si Miel.

Image courtesy: Image courtesy/reallysharoncuneta



Bata pa lamang ito ay sanay na si Frankie sa media dahil nagkaroon na rin ito ng ilang commercial shoots at endorsement projects kasama ang kaniyang Ina. Marami man ang bumabatikos noon sa batang ito dahil sa magkalayo ang itsura nito sa kaniyang ate KC, mayroon naman itong unique beauty lalo na ngayong nag-dalaga na ito.

Image courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Ang dating batang Frankie ay isa nang ganap na dalaga ngayon at marunong ng tumayo sa sarili niyang mga paa. Lumaki si Frankie ng napakaganda, napakatalino at talentado kagaya ng kaniyang Ina kung saan nagkaroon na rin ito ng tyansa na maipakita sa media ang kaniyang talento sa pamamagitan ng pag-awit.

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Maraming pressure ang pinagdaanan ng dalaga sapagkat nanggaling ito sa kilalang pamilya na sinusubaybayan ng halos lahat ng mga Pinoy. Kaya imbes na ikumpara ang kaniyang sarili sa kaniyang Ate KC at Mommy Sharon, ginawa niyang inspiration ang mga ito upang matuto at maging magaling sa kaniyang trabaho.

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan



Malayo man ang boses nito sa kaniyang Ina, mayroon naman siyang unique sultry voice na maipagmamalaki sa media. Sa katunayan, nagkaroon na ito ng album taong 2017 na pinamagatang “Battle Scars” na nagustuhan ng karamihan.

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan
Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Sa kasalukuyan, pinili ni Frankie na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo sa New York dahil nais nitong maging independent at magready para sa kaniyang future. Mahirap man para kay Sharon na malayo sa kaniyang anak, subalit para sakaniya ay ibibigay nito kung ano ang hiling ni Frankie lalo na kung ito ay makakabuti para sa kaniyang future.

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Halos ilang buwan na rin itong nag-aaral sa New York at tila ba natututo na itong maging independent at maging matapang mag-isa. 

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Sa katunayan, marunong na rin itong tumayo sa iba lalo na pagdating sa kaniyang pamilya. Madalas kasing nagiging usap-usapan at laman ng katatawanan sa publiko ang kaniyang Ama na si Kiko Pangilinan kaya naman madalas din niya itong ipagtanggol laban sa mga negatibong komento ng mga bashers.

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Pagdating sa karapatan at paninindigan ay maaasahan ang dalaga sapagkat matapang ito pagdating sa pagbibigay ng opinyon laban sa mga negatibong issue na nangyayari sa bansa. 

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan
Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Thankful si Frankie dahil nakayanan ng kaniyang magulang na ipag-aral ito sa kaniyang dream school kaya naman hanggat kakayanin nito ay ipagtatanggol niya ang kaniyang pamilya laban sa mga netizens na walang ginawa kung hindi magkomento ng negatibo.

Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan
Image courtesy: Instagram/frankiepangilinan

Kaya naman marami ang humahanga sa dalaga dahil both beauty and brains ang angkin na katangian ni Frankie. 





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *