Ibinahagi ni Bela Padilla ang kaniyang mga natutunan at kabutihang ginawa sa panahon ngayon na kailangan ng pagkakaisa

Bella Padilla napagtanto ang layunin at kagustuhan sa buhay sa bagong mundo na kinakaharap.
Marami tayong matutuklasan sa buhay natin lalo na sa panahon ngayon na meron tayong kinakaharap na mga pagsubok.Tulad na lamang ng aktres na si Bella Padilla na sa wakas natuklasan na din niya ang kanyang layunin at kagustuhan sa buhay.

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram



Minsan sa buhay natin napapaisip tayo kung ang ginagawa natin sa araw araw ay iyong mga bagay na gusto talaga natin sa buhay. Pakiramdam na parang paulit ulit na lamang at sadyang may kulang na gusto nating punan. Ibinahagi ng aktres na si Bella Padilla ang kanyang nararamdaman:

“Right now, it is a breather but at the same time it’s getting me a little bit anxious as well… I am very aware that I feel like the entertainment industry is one of the last industries to start moving again when we all recover from c0v!d 19. So I’m trying to find my footing in the world again right now. I’m doing things little by little,”

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram

Sa kanyang isang post sa Instagram makikita na nakapostura si Bella Padilla na kung saan mapapaisip ka kung saan ba siya papunta. Ngunit sa totoo lamang, wala naman siyang pupuntahan na iba dahil ito ay biro lamang na kung saan kaniyang ibinahagi lamang ang mga bagay-bagay na normal na ginagawa ng mga taong pumapasok sa opisina o sa kani-kanilang trabaho.

Ito lamang ay sumasalamin na sadyang marami nang namimiss gawin ng mga tao na dati nila ginagawa noong wala pa ang pandemya.

Saad ng aktres “Last year I would say was the busiest year I’ve had so far, career-wise. There was a time when I was doing two films and a series from Monday to Sundays, and it was very intense for me, and it carried over until the end of the year,”

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram

Sadyang nanibago ang aktres lalo na nang huminto ang mga dati niyang aktibidad na nakasanayan. Dagdag pa niya “I try to pull back a little because I felt like the surge of activities stopped. And I was also guilty because I was suddenly so passive, suddenly so idle,”

Plano din sana ng aktres na magbakasyon sa ibang bansa ngayong taon na ito ngunit sa tingin niya hindi na ito matutuloy dahil sa pandaigdigang pandemya at dahil dito hindi na din natin masasabi kung ang pagpunta sa iba’t ibang lugar ay makakasanayan pa din natin.

Noon lamang mga panahon na kumakalat palang ang balita tungkol sa pandemya na kinakaharap natin ngayon napaisip ang aktres kung ano na mangyayare sa mga tao na araw araw niya nakikita tulad na lamang ng mga street vendors na kailangan makipagsagupaan para kumita ng pera kung kaya nag-isip agad ang aktres ng paraan upang makatulong.

Saad ng aktres “I tried to do the fundraising as quickly as I could. It was Go Get Funding, which is quite tricky to do,”

Nakalikom ang aktres na P3 Million at dahil dito naging usap usapan ang maagang aksyon na kanyang ginawa upang makatulong lamang sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Dagdag pa niya “I’m happy because people responded really well to it. In three days, we reached the target. On the second day, someone made a big donation. On the third day, we [already had] the supplies and we were repacking and handing out,”

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram



Isa si Bella Padilla sa mga kauna unahang aktres na tumugon sa pangangailangan ng mga nangangailangan at sa tulong din ng aktor na si Matteo Guidicelli nakahingi siya ng supporta sa military upang maipamahagi ang tulong na kanilang nalikom.

Pagkatapos na mga kaganapan na iyon saad ng aktres na mas nakatulog na siya ng mahimbing dahil alam niya sa sarili niya na nagawan niya ng solusyon ang mga bagay na bumabagabag sa isip niya.

Dagdag pa ng aktres “If the fundraiser had 90 percent positive reactions, there was the 10 percent who had questions.

And it’s really sad, to be honest, because [you’re] physically and emotionally, tired, and also a little bit financially depleted from doing something like this then [people still ask], ‘Where are the receipts?’ And I’m like, ‘Hold your horses because I will post them. Give me some time to catch my breath.’

And when I did post them, they still had something else to say and I really felt bad about that,”

Hindi naman sa gusto ng aktres na magpapansin or mag pasikat sa nakakarami kundi ang nais lamang niya ay makatulong sa mga tao na nangangailangan at mahinto na ang mga bagay na bumabagabag sa kanyang isipan.

Ngunit sa kabila ng kanyang magandang ginawa hindi pa din natin maiiwasan na meron pa din masasabi ang ibang mga tao na kung saan naging dahilan ng pag kalungkot ng aktres.

Saad ng aktres “I hope Filipinos see that sometimes—and this is such cliché—that if you were about to say something you that you couldn’t say to someone’s face, behind your phone or your laptop, then don’t say it all. If you’re hiding an anonymous name or you’re being paid to react negatively to the world, this is really not the time,”

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram

Naibahagi ng aktres na sana magkaisa tayong mga Pilipino lalo na sa panahon ngayon na madami sa ating mga kababayan ang kailangan natin tulungan kasi kung ating titingnan saad ng aktres na mas madami ang hindi nagkakaisa para malampasan ang pandemyang ito.

Dadag ng aktres “It’s obviously very rewarding after and I always tell this to everybody, that when you help out, it helps you more. But it’s the comments after that made me jaded or tired. And I know that the world is bigger than that, and I should see the bigger picture, but after, we took a step back because I felt like there are other ways I could help out anyway,”

Gayunpaman sa mga naranasan ni Bella sa panahon na ito meron siya napagtanto na kung saan meron pa din mga tao ang nangangailangan sa ating paligid na kailangan tulungan may pandemya man o wala. Dahil sa natuklasan na ito ni Bella, magiging parte na ito ng kanyang buhay ang pagtulong kahit wala na ang krisis.

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram

Dagdag pa ng aktres “One of the first places we went to was Manila Bay. And my god, the amount of people lying down on the boardwalk… They were all on the floor, lying down with each other because they had no energy anymore. Imagine—it’s so hot, days without food, days without clean water… You know, for weeks maybe that mental image will stay with me for a long time after this.”

“I don’t know where to place all of this in my life right now. In the day time, you can be learning a new recipe, and then in the night you read your book, you go on Netflix. But also, you see there’s a bigger picture and a bigger problem out there—how do you help out? I don’t know right now how I can spread myself, so I could help out more people.

Image courtesy: Bela Padilla/Instagram

I’m trying to figure that out more as days go by” Ngunit hindi nito nangangahulugan na hihinto na siya sa kanyang acting career kundi kaya naman niya ito pagsabayan ang bagong tuklas niya sa sarili niya tungkol sa pagtulong at pag arte.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *