Ibinahagi ng anak ni Dra. Vickie Belo na si Cristalle ang kaniyang karanasan sa pagiging ina

Wala ng makakapantay pa sa kaligayahan na mararamdaman ng isang ina sa unang beses na masilayan niya ang kanyang mga anak. Hindi rin maikakaila ang sayang nakikita sa puso ng bawat ina habang nakikita at sinusubaybayan ang paglaki ng mga ito.

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram



Ito ang pahayag ni Cristalle Belo- Pitt ukol sa araw ng kapanganakan niya sa kanyang anak:

“It’s such a scary experience being alone”, iyan ang isa sa mga katagang naibahagi ni Cristalle sa kanyang naranasan sa araw ng kapanakan ng kanyang anak.

Si Cristale Belo-Pitt ay isang managing director sa The Belo Group na anak ng kilalang personalidad na si Dr. Vicky Belo at asawa ng isang Australian Hotelier na si Justin Pitt. Hindi lubos maisip ni Cristalle na siya ay meron ng dalawang anak, si Hunter James na 2 taong gulang at Sienna Victoria na kamakailan lamang pinanganak.

“It will be magical seeing a little Justin and a little Cristalle grow right in front of our eyes,” bahagi ni Cristalle.

Isinunod ni Cristalle ang pangalan ng kanyang anak na babae sa isang Italian City na kung saan kilala sa mapang-akit na kagandahan ng lugar.

Sa araw ng kapanganakan ng kanyang anak na babae madami siyang inasahan na mga bagay tungkol dito ngunit hindi kasama ang pandemya na ating nararanasan ngayon.

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram

“It was difficult,”
“I had a birth plan that I made and I just had to throw that out the window. The rules were so strict that Justin could not even be with me in the delivery room. It’s such a scary experience being alone,” saad ni Cristalle.

Ngunit sa huli siya ay nagkakamali at hindi siya nag iisa sa delivery room sa mga oras na iyon bagkus kasama niya ang kanyang anak na lalabas na sa kanyang sinapupunan. Doon niya napagtanto na hindi lang pala sa sarili niya nanggagaling ang lakas ng loob at tapang kundi kasama niya ang anak niya harapin ang susunod na mga bagay na mangyayari sa kanila sa loob ng delivery room na iyon.

Hindi lubos maisip ni Cristalle na sa wakas nasa kamay na niya ang kanyang anghel na kasama niya sa mga oras ng siya ay nangangamba at naging dahilan upang malampasan niya ang mga pagsubok na kanyang kinaharap.

Kung atin iisipin grabe ang naranasan ni Cristalle sa mga oras na iyon dahil nagsisimula pa lamang ang pandemya na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram

“Thank God I [had] become close friends with my [obstetrician-gynecologist] Dr. Martin Manahan and my pediatrician, Dr. Arnel Nuguid. They were the ones that really gave me strength and assured me that everything would be ok,” saad ni Cristalle.

Malaki din ang naitulong ng kanyang asawa na si Justin lalo na sa mga oras ng kanyang pangangamba dahil gumawa ito ng paraan upang maibsan ang nararamdaman ni Cristalle sa mga oras na iyon at lagi pinapaalala ni Justin na lahat ay magiging maganda ang kahihinatnan.

“She was beautiful, healthy, and strong at 6 pounds and 11 ounces. We were in and out of the hospital in three days,” dagdag ni Cristalle.

Masasabi natin na isang malakas at masigasig na ina si Cristalle dahil sa kabila ng mga naranasan niya hindi siya sumuko simula ng ipinanganak niya ang una niyang anak na si hunter na kung saan ito ay isang premature baby at si Sienna na ipinanganak na oras na meron pinagdadaanan na pandemya ang mundo.

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram



Tulad din ng ibang mga ina hindi nagtatapos ang kanyang pagganap sapagkat ginagawa niya ang lahat upang mapanatiling ligtas, masaya at malusog ang kanyang mga anak lalo na sa mga oras na ito.

Naisip din niya na habang mga bata pa ito ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya dahil hindi habambuhay ay bata pa din ang mga ito at dadating din ang oras na kung saan magkakaroon ang mga anak ni Cristalle ng mga kanya kanyang buhay. Sa kabila ng mga ito ang mahalaga lamang para sa isang ina ay ang mga memorya na kanilang bubuohin ng magkasama.

Sa papanaw din niya na ang kapanganakan ng kanyang anak na si Sienna ay sumisimbolo sa pag- asa at pagpala sa mga kinakaharap natin ngayon.

“It’s the great pause. Everyone was becoming too busy with their lives and losing connection with each other. We were all consumed with how to increase velocity so we can move forward in life faster. This is the great pause where the world stopped. Everyone was forced to stay home but with that, relationships were rebuilt and people started re-thinking life,”

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram

“I feel like I’m being stretched in all sorts of directions. There are periods where I experience baby blues but I have to be strong for the kids and focused. At night, when they are asleep, I show Justin how vulnerable I am because I just need to let it out. He comforts me and gives me tight hugs and lots of kisses to make me feel better,”

“I wake up at 7 and breastfeed Siena. At 8 a.m., Hunter wakes up and the day really begins!… After lunch, at 1 p.m., Hunter takes a nap and I feed Siena again… Hunter is awake at 3 p.m. and the house is a riot all the way till he goes to bed at 7:30 pm. Really, our schedule revolves around Hunter,” habang masayang binabahagi niya ang mga ito.

Sinisigurado din ni Cristalle na pareho niyang nabibigyan ng sapat na pansin ang dalawa niyang anak at sa mga panahon na ito, dito masusubukan ang pagiging isang ina Cristalle.
“It breaks my heart when I am feeding Siena and Hunter is pulling my hand, wanting to play,” sambit niya.

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram



“We gave Hunter a gift from Siena before leaving for the hospital and as soon as we arrived back home from the hospital. We got him a huge inflatable bouncer and a nice train set. We made sure to keep repeating to him that it was a gift from Siena,” saad niya.

Kahit na ikaw ay isang mommy na kailangan pa din pangalagaan ang sarili kung kaya nag eehersisyo si Cristalle upang bumalik ang dating kisig ng kanyang katawan at gumagawa din siya ng paraan upang mapanatiling mentally stable ang kanyang mga anak sa dahilan na baka magkaproblema ito sa nararanasan na quarantine.

“Right now, I am focusing on building awareness to Online Sexual Exploitation of Children (OSEC)… This is so close to my heart because I have children of my own. I know that ECQ is difficult on everyone but that doesn’t mean that some parents can resort to this. They feel that it’s okay to do this because ‘it’s online anyway and no physical harm is done to the child.’

It’s our responsibility to protect the innocence of the children and to protect them from online predators. The Philippines is the epicenter of this trade. It’s heartbreaking knowing how many Filipino children are exposed to this kind of slavery,” ibinahagi ni Cristalle ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon.

Image courtesy: Cristalle Belo/Instagram

Sa ngayon si Cristalle ay ganap na ina pa lamang ng dalawa niyang anak sa loob ng 40 na araw. Pero para sa kanya ang dami na niyang natutunan sa pagiging ilaw ng tahanan sa kanyang pamilya.
“Forget all the material things, it’s health and relationships that really matter in my life.

Without my health and constantly touching base with the people I love, I would not feel alive,” dagdag niya. Sa ngayon para kay Cristalle na sobra siyang masaya na kasama ang kanyang mga anak at asawa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *