Vic Sotto, isang Cool Dad at hands on sa pag-aalaga kay Baby Tali

Hindi mapagkakaila na isang napakabuting Ama ni Vic Sotto sa kaniyang mga anak dahil lumaki ang mga ito ng matitino at mababait kagaya niya. Umaangat pa lamang ang karera noon ni Vic Sotto ay mapapansin na kung paano ito makisalamuha sa mga batang artista. Sa katunayan, maraming naging anak-anakan sa industriya si Vic katulad na lamang nina Aiza Seguerra, Bae-by Baste at Ryzza Mae Dizon.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto



Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Kaya bilang Ama ay hindi mapagkakaila na magiging mabuti at cool dad si Vic pagdating sa kaniyang bunsong anak na si Baby Tali. Para kay Bossing, ang pagiging isang Daddy ay isa sa pinakapaboritong parte ng kaniyang buhay bukod sa pagiging isang artista.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Gaano man ka-busy si Bossing sa kaniyang mga Taping para sa Noontime show na ‘Eat Bulaga’, sinisigurado niya na mayroon itong oras na mailalaan para kay Pauleen at Tali.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Sa katunayan, mas ninanais ni Vic na nasa bahay lamang habang ka-bonding ang kaniyang anak. Isang favorite bonding moment ni Bossing ay ang playtime kasama si Baby Tali. Tila pauntiunting lumalaking Daddy’s Girl si Baby Tali lalo na ngayong quarantine kung saan madalas sila ang laging magkasama.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Sa isang larawan na ibinabahagi ni Pauleen Luna sa kaniyang Instagram account, makikita na hands-on si Vic sa pag-aalaga kay Baby Tali kung saan pati sa oras ng pagkain ay kasama niya ang anak at siya mismo ang nagpapakain ng solid food kay Tali.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto



Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Sinisigurado rin ni Vic na siya ay isang mabuting asawa kay Pauleen kung saan madalas rin niya itong paghandaan ng bonggang bakasyon sa ibang bansa at paglaanan ng oras upang silang dalawa ay magkaroon rin ng bonding moment mag-asawa.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto
Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Ang huling bakasyon nga ng pamilya ay noong nakaraang Pebrero para sa kanilang ika-apat na anibersaryo na ginanap nila sa isang resort sa Amanpulo Palawan na kabilang sa isa sa pinakamahal na resort sa Pilipinas.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Tila napakaswerte nga naman ni Pauleen kay Vic at wala na raw itong hihilingin pa dahil bukod sa napakabuti niyang asawa ay napakabait at malambing siya bilang Daddy kay Baby Tali.

Image courtesy: Instagram/pauleenlunasotto

Kaya ganoon na lamang rin siguro kung bakit tumagal sa Industriya ang isang Vic Sotto. Maraming netizens at kapwa artista ang nagmamahal sakaniya dahil napakabait at down to earth nito hanggang ngayon.

Godbless you Bossing!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *