Andi Eigenmann, ibinahagi ang kaniyang karanasan at hirap bilang isang ina ngayong panahon ng lockdown

Napakahirap mawalay sa iyong mahal sa buhay lalo na ngayong panahon ng krisis sa ating bansa. Sa katunayan, napakaraming mga Pinoy ang hindi nakauwi sa kanilang pamilya at probinsya magmula nang maipatupad ang quarantine kaya naman hirap na hirap na sila at tinitiis na lamang ang sitwasyon sa ngayon.

Isa rin sa nakakaranas ng hirap na ito ay ang aktres na si Andi Eigenmann at ang kaniyang panganay na si Ellie.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl



Sa kasalukyan, ang pinagkaka-abalahan ni Andi ay ang pagiging isang Ina sa kaniyang dalawang anak na babae. Subalit dahil sa naging sitwasyon ng ating bansa, hindi inasahan ni Andi na siya ay mawawalay sa kaniyang panganay na si Ellie.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Nasa ika-9 na taong gulang pa lamang si Ellie habang ang bunso namang si Lilo ay 9 na buwan pa lamang mula noong naisilang niya ito. Dahil sa quarantine ay naging mas komplikado ang pagiging isang magulang ni Andi sa kanyang mga anak lalo na at magkalayo sila ng kaniyang panganay na anak.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl
Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Mahirap para kay Andi ang kaniyang sitwasyon subalit gayunpaman ay nananatiling matatag ang aktres para sa kanyang pamilya at handa itong harapin kahit gaano pa man kabigat ang mga problema na kaniyang haharapin lalo na at hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligtasan niya ang kaniyang dapat isipin, kung hindi pati na rin ang kaligtasan ng kaniyang mga anak.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Hindi man nakapiling ni Andi sa buong durasyon ng lockdown mula noong Marso ang kaniyang panganay na si Ellie dahil ito ay nasa Maynila nang biglaang maipatupad ang ECQ, nililibang na lamang niya ang kaniyagn atensyon sa bunsong anak upang hindi siya magkaroon ng anxiety at worries para kay Ellie.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl



Labis raw kasi ang pag-aalala nito sa anak simula ng malaman nito na magkakaroon ng lockdown sa siyudad dahil ito raw ang pinakamahabang panahon na hindi niya nakasama ang kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Kaya upang maibsan ang lungkot nito ay madalas silang nag-uusap sa pamamagitan ng video call. Subalit hindi pa rin ito naging sapat upang makampante ang aktres, pero dahil na rin wala itong magawa ay sinisiguro na lamang niyang maayos ang kalagayan nito sa lahat ng aspeto.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Ang balak nito ay lumipad agad-agad patungong Maynila kung sakaling maaari nang bumiyahe para makasama si Ellie at mayakap dahil ilang buwan na rin niya itong hindi nakikita.

Image courtesy: Instagram/chepoxz

Samantala, masaya si Andie dahil kahit papaano ay andiyan ang kaniyang partner na si Philmar at ang kaniyang bunsong anak na si Lilo na nakakapagpawala ng kaniyang stress at worries. Tinututukan na lamang niya sa ngayon ang pag-aalaga sa anak habang inaalagaan rin ang kaniyang pangangatawan.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Nagsimulang mag healthy living si Andie at sinabayan niya ito ng workout na siyang nagbunga ng napakagandang hubog ng kaniyang katawan ngayon.

Dahil hindi makalabas gaano ng bahay ay mas natutukan rin ni Andi ang mga bagay na hindi niya masyadong nagagawa noon kagaya na lamang ng pagbe-bake ng cake.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl
Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Maging si Philmar na dati ay sobrang kalmado at tahimik, ngayon ay labis ang pag-aalala para sa kanyang mag-ina, kaya naman lagi niyang sinisiguradong malayo sa ano mang panganib ang mga ito.

Image courtesy: Instagram/chepoxz
Image courtesy: Instagram/chepoxz

Sa ngayon ay tila handa na ang kanilang mag-anak sa tinatawag na “new normal” at para kay Andi, kahit malaking pagbabago ang mangyayari ay pwede pa rin itong magkaroon ng positive outcome. Kahit marami itong pangamba para sa sitwasyon nila ng kaniyang panganay na anak, hindi siya nawawalan ng pag-asa na babalik rin ang kanilang buhay sa normal kasama si Ellie.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *