Kilalanin ang napakagandang partner ngayon ni Dennis Padilla na isang Aussie-Pinay

Sa ating panahon ngayon, napakadali na lamang ang makipag-hiwalay sa asawa at maghanap ng bagong kinakasama. Sa katunayan, mas madali na nga ang makipaghiwalay ngayon kaysa panatilihing matatag ang isang relasyon o marriage. Kaya marami rin sa mga artista ang nauwi na lamang sa failed relationships at naghanap na lamang ng kanilang panibagong partner kung saan nagsimula ulit ng bagong buhay.

Image courtesy: Instagram/dennisastig



Kagaya na lamang ng nangyari sa dating mag-asawang sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Isa sa kilalang couple noon sina Dennis at Marjorie kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon. Ngunit kahit sila ay biniyayaan ng magagandang mga anak ay nauwi pa rin sa hiwalayan ang mag-asawa at nagkaroon ng kani-kaniyang mga ka-relasyon.

Image courtesy: Instagram/marjbarretto

Ilang taon matapos ang paghihiwalay sa asawang si Marjorie Barretto ay napabalitang mayroong bagong kinakasama si Dennis Padilla. Ito ay si Linda Marie Gorton isang Aussie-Pinay na napakaganda rin katulad ni Marjorie.

Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton
Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton

Dalawampu’t apat na taon ang agwat ng kanilang edad ngunit sa kabila nito ay napapanatili nila ang maayos na pagsasama at sa katunayan ay siyam na taon na ang kanilang relasyon na hanggang ngayon ay matatag padin.

Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton



Marami man ang nagtatanong kung paano nag-adjust si Dennis sa kanyang relasyon kay Linda dahil sa kanilang age gap na ilang taon, sinagot naman ito ni Dennis ng walang halong biro.

Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton

” Well, siyempre yung mga pinapasyalan ninyo, yung mga pinupuntahan ninyo, mas bagets. Natututo nga akong pumunta ng… Ano ba yun? Republiq [disco bar in Pasay]. Hindi ko naman pinupuntahan yung mga gano’n, e. Siyempre, pupuntahan niya yung barkada niya. I have to join. Pag bagets ang girlfriend mo, parang bagets ka rin.”

Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton

Sa tinagal ng pagsasama ng dalawa ay biniyayaan sila at nagkaroon din sila ng tatlong anak. Dalawa sa mga ito ay babae at may pangalan na Rizzi at Maddie samantalang ang lalaki naman ay pinangalanan na Gavin.

Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton
Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton

Maluwag din na tinanggap ni Julia Barretto maging ng kanyang mga kapatid na si Leon at Claudia ang bagong kinakasama ng kanilang Ama. Wala din namang naging problema sa pagkikita ni Linda at dating asawa ni Dennis na si Marjorie noong magkita sila sa Christmas party ng talent manager na si June Rufino noong 2009 dahil maayos na rin naman ang kanilang buhay ngayon.

Image courtesy: Instagram/dennisastig
Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton

“Wala namang ilangan sa kanilang dalawa no’ng magkita sila. Ako nga yung natensiyon, e,” kuwento ni Dennis sa isang interview.

Maraming netizens ang naging masaya para kay Dennis at sa wakas ay nakatagpo siya ng taong muling magmamahal sa kanya. Ang ilan sa mga ito ay nagsasabing may pagkakahawig si Linda kay sa dating partner na si Marjorie subalit ano pa man ang komento ng mga tao ay wala na itong epekto kina Dennis at Marjorie dahil may sarili na silang mga buhay ngayon.

Image courtesy: Instagram/lindamarie_gorton

Sa mga kontrobersiya man na ikinaharap ng pamilya ni Marjorie Barretto, tumatayo pa rin bilang isang Ama si Dennis sa tuwing inaapi ang kaniyang mga anak. May bagong buhay man ito sa bagong partner ay hindi naman nawawala sa kaniya ang pagiging isang Ama sa kaniyang tatlong anak kay Marjorie.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *