Richard Yap ipinasilip ang kanyang bahay na mayroong sariling Gym at Music Room

Sa mga pangyayari na naganap nitong mga nakaraang buwan, madami sa atin ang naghahanap ng mga bagay na pampalipas ng oras at isa na dito ay ang Video Blogging. Tulad na lamang ng aktor na si Richard Yap na nakilala sa programa na “Be Careful With My Heart” ay nag paunlak ng isang Vlog patungkol sa kanyang modernong bahay.

Image courtesy: Richard Yap/Instagram



Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Ang bahay ng aktor ay moderno na kung saan hindi mo na kailangan ng susi upang makapasok dito. Dahil ang pintuan na meron ang nasabing bahay ay isang biometric lock na ang tanging kailangan para bumukas ay ang daliri ng may ari nito.

Image courtesy: Richard Yap/Instagram
Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Isa din sa mga mapapansin sa Vlog ng aktor ay ang mga painting na nakapaskil sa mga pader kasama pa ng mga modernong gamit na sila mismong mag asawa ang pumili at nag ayos sa kanilang bahay. Tulad din ng nakakaraming bahay hindi mawawala ang altar na kung saan silang buong pamilya ay nagdadasal.

Image courtesy: Richard Yap/Instagram



Ayon sa aktor hindi man kalakihan ang kanilang bahay tulad ng iba, sila naman ay masaya at kuntento kung ano ang meron sila. Saad din ng aktor maliban sa mga modernong sala, kusina at kainan, meron din silang gym at music room na kung saan silang buong pamilya ay nagpapalipas ng oras sa pamamagitan ng pagnuod ng mga programa sa Netflix.

Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Dagdag pa ng aktor na nabili nila ang bahay na tapos na ngunit sila na mismo ang nag parenovate na naayon sa kagustuhan nilang pamilya. Dahil dito maraming mga netizens ang humanga sa kakaibang disenyo ng tahanan at magandang kinalabasan nang ginawa ng pamilya ni Richard Yap.

Image courtesy: Richard Yap/Instagram
Image courtesy: Richard Yap/Instagram

“You have a beautiful home, you have an impeccable taste, I love your furniture, what a great detail, they are in contrast with your wall paintings, I’m just loving it. There is no wasted space in the kitchen everything is functional. Thanks for giving us a tour of your warm cozy home” saad ng isang netizen.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *