Kilalanin ang asawa ni Alfred Vargas na mayroong pagkakahawig kay Marian Rivera

Lingid sa ating kaalaman na hindi lahat ng showbusiness personalities na ating iniidolo ay nakapag asawa ng kapwa celebrity. Tulad na lamang ng aktor na si Alfred Vargas na nakapangasawa ng non- Showbusiness personality ngunit kasing ganda ng isang artista.

Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram



Si Alfred Vargas ay isa sa mga gwapo at kilalang artista na ating nakikita o napapanood sa iba’t Ibang programa sa telebisyon na kung saan hinahangaan ng karamihan. Marami sa kanyang mga tagahanga ay napapatanong kung ang gwapong batikang aktor na si Alfred Vargas ay may asawa na?

Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Kung ating pagmamasdan, karamihan at hindi lahat ng nag-gagandahang mga binibini at nag-gagwapuhang ginoo ay nagtratrabaho sa showbusiness industry tulad na lamang ng asawa ni Alfred Vargas na aakalain mo sa unang tingin ay kakambal ng sikat at magandang aktres na si Marian Rivera.

Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Ang nasabing asawa ni Alfred Vargas ay nagngangalan na Yasmine Espiritu-Vargas na isang half Italian half Filipino at siya ay lumaki sa bansang Italy. Sa kasalukuyan meron silang tatlong anak ni Alfred na sina Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas, at Alfredo Cristiano Vargas IV.

Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram



Ayon kay Yasmine siya ay isang masugid na tagahanga lamang ng aktor noong una at tulad lamang ng nakakarami pinapanood lamang niya ang mga pelikula at nangongolekta ng mga poster nito upang ipaskil sa kanyang kwarto.

Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan noong mga panahon na nagbakasyon si Yasmine sa Laguna at kasalukuyan naman na mayroong show na ginagawa ang aktor. Doon nag simula ang love story ng dalawa at pagkatapos ng mahabang pagsasama nagdesisyon si Alfred at Yasmine na magpakasal noong 2010 sa supreme court.

Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram
Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Sa ngayon, ang aktor na si Alfred Vargas ay nanunungkulan bilang isang congressman sa ikatlo niyang termino sa Quezon City at isang District Representative ng district 5. Masayang nagsasama ang mag-asawa kasama ang kanilang tatlong chikiting na nagbibigay aliw sa kanilang pamilya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *