Ito ang simpleng buhay ni Wilma Doesnt habang itinataguyog mag-isa ang tatlong anak

Talaga namang napakahirap maging isang single parent lalo na kung magkakalapit ang agwat ng edad ng iyong mga anak. Kaya naman saludo kami sa lahat ng mga magulang na mag-isang itinataguyod ang kanilang mga anak kahit gaano pa kahirap ang buhay.

Katulad rin ni Wilma Doesnt, isang aktres na nakilala noon at nagkaroon ng ilang proyekto sa industriya, ngayon ay masayang namumuhay ng simple at itinataguyod ang tatlong anak.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma



Iba’t iba man ang mga Ama ng kaniyang mga anak at hindi man ito pinalad sa pagkakaroon ng matibay na relasyon sa kaniyang partner, masaya naman ang aktres na si Wilma na kinakaya niya ang lahat upang mapalaki ng husto ang kaniyang mga anak.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma
Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Sa katunayan, kahit ito ay kilala sa industriya ay namumuhay lamang ito ng simple at proud niyang ibahagi ito sa social media dahil ito ang realidad ng kaniyang buhay.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Hindi rin nagkulang si Wilma sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak habang rumaraket sa industriya dahil sa katunayan ay marunong ng gawaing bahay ang kaniyang mga anak. Importante kay Wilma na matuto ang kaniyang mga anak ng ilang household chores habang sila ay bata pa at nakikinig pa sa kanilang Ina.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma
Image courtesy: Instagram/doesntwilma
Image courtesy: Instagram/doesntwilma



Sobrang hirap ng pinagdaaanan nito dahil noong mga bata pa lamang ang kaniyang mga anak ay wala itong karamay sa pag-aalaga at sa tuwing sila ay may dinaramdam ay punong-puno ng pag-aalala si Wilma dahil alam niyang siya lamang ang aasahan ng kaniyang mga anak.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Kaya mula noon ay strikto ito pagdating sa health ng mga bata dahil napakahirap sa tuwing sila ay may iniinda na karamdaman.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Sa ilang mga Instagram posts ni Wilma ay makikita kung gaano ka-simple at ka-down to earth ang kaniyang pamilya. Simple lang rin ang kanilang mga suot at tabi-tabi pa sa kama ang kaniyang mga anak sa tuwing sila ay matutulog.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma
Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Ang pinagkaka-abahalan ni Wilma ay ang kaniyang trabaho bilang CEO at Presidente ng Manila International Integrated Learning Center, isang institusyon na nagbibigay ng trabaho o intership sa mga fresh graduates ng HRM, Tourism, Culinary at Business Management. Nagkakaroon pa rin ito ng ilang proyekto sa industriya kaya hindi pa din madali na iwanan ang kaniyang mga anak.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Dahil tatlo ang kaniyang itinataguyod, hindi pa rin madali para kay Wilma na mamuhay ng marangya kaya naman patuloy pa rin ang pagpursige sa pagtrabaho nito at hinihiling na sana balang araw ay magkaroon ito ng sapat na ipon upang gumanda ang kanilang buhay.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Subalit kahit simple lamang ang kanilang pamumuhay ay masaya na rin ang aktres na malayo sa ano mang karamdaman ang kaniyang pamilya. Malaking blesssing na raw para sakaniya ang makasama niya ang kaniyang Ama, tatlong anak at ang kaniyang non-showbiz partner.

Image courtesy: Instagram/doesntwilma
Image courtesy: Instagram/doesntwilma

Godbless Wilma! You are a great Mom!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *