Ito na ngayon ang buhay ng dating sikat na kontrabida na si Ruel Vernal na naninirahan na ngayon sa Amerika

Alam naman nating hindi makukompleto ang isang pelikula kung walang gaganap na kontrabida. Ngunit sa kabila ng kanilang pagganap sa isang masamang karakter ay hindi naman ito nangangahulugan na ito ay sumasalamin sa kanilang totoong buhay.

Image courtesy: Kevin Vernal/Facebook



Isa na dito si Norberto Paranada Venancio mas kilala sa pangalan na Ruel Vernal na dating sikat na kontrabida na naging kalaban ng iba’t ibang mga sikat na action star noong 1970s hanggang 1990.

Image courtesy: Kevin Vernal/Facebook

Dahil sa kanyang magandang hubog na pangangatawan at mapanindak na facial features kaya isa siya sa mga tinaguriang Ideal bad guy sa mga panahon na talamak ang mga action movies.

Tatlong dekada din nanungkulan bilang aktor si Ruel Vernal na kung saan mapapanood siya sa mga iba’t ibang sikat na pelikula tulad ng “Kapag Buhay Ang Inutang”, “Kapitan Pablo”, at “Hindi Pa Tapos Ang Laban”.

Image courtesy: Renz Christian Nuñez/Facebook



Dahil sa kanyang taglay na kagalingan sa pagarte at pagganap sa nasabing karakter kung kaya naging katambal din niya ang iba pang mga sikat na action star tulad nina Da King Fernando Poe Jr, Lito Lapid at Ramon Revilla Sr. Isa ito sa mga naging dahilan kung kaya nabigyan siya ng gantimpala noong 1976 sa Metro Manila Film Fest bilang best supporting actor.

Image courtesy: Kevin Vernal/Facebook

Hindi lang sa pag arte nakilala ang aktor kundi naging isa din siyang modelo ng isa sa mga sikat na inumin noong 1982 hanggang 1983 at ang huli niyang nagawang pelikula ay noong 2003 na pinamagatang “Dayo”.

Image courtesy: Renz Christian Nuñez/Facebook

Marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba ang aktor sa ngayon matapos lisanin ang showbiz.

Ayon sa isang source, matapos na magretiro ang nasabing aktor, sa ngayon ito ay masayang naninirahan sa Washington DC kasama ang kanyang pamilya.

Image courtesy: Kevin Vernal/Facebook

Hindi maitatanggi ng karamihan na sa kabila ng kanyang edad na 73 ay talaga namang nakakakilabot parin ang kanyang awra tulad na lamang ng kanyang pinapakita sa mga dati niyang pelikula.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *