Ito ang walk-in closet ni Dianne Medina na tila isang Department Store sa laki

Hindi nga maikakaila na karamihan sa mga artista ay mayroong kani-kaniyang walk-in closet kung saan naka-display ang kanilang magagarang kagamitan kagaya na lamang ng mga designer clothes, bags, shoes at maging ang kanilang mga mamahaling perfumes.

Image courtesy: dianne_medina/instagram



Isa na mga artista na ito ay ang aktres na si Dianne Medina. Kamakailan lamang ay ipinakita sa Instagram post ni Dianne ang kanilang dreamhouse ng asawang si Rodjun na kanilang pinaghirapan ipatayo bago sila ikasal. Bawat parte ng kanilang mansion ay kaniyang ipinakita at ibinahagi sa kaniyang mga followers na kung saan napa-wow ang lahat dahil sa ganda na kanilang bahay.

Image courtesy: dianne_medina/instagram
Image courtesy: dianne_medina/instagram
Image courtesy: dianne_medina/instagram

Sa isang special episode nito sa kaniyang Youtube account, ibinahagi rin nito ang sariling bersiyon ng kaniyang walk-in closet tour na ikinamangha ng mga netizens dahil mukha itong department store sa laki!

Image courtesy: dianne_medina/instagram
Image courtesy: dianne_medina/instagram

Sa edad na 33-taong gulang ay marami-rami na ring nagawang proyekto ang aktres sa larangan ng show business at kasabay nito ang pagkokolekta niya ng mga damit at iba pang kagamitan na maliban sa may kamahalan ang presyo ay talaga namang magaganda ang disenyo at de kalidad ang quality.

Image courtesy: dianne_medina/instagram



Image courtesy: dianne_medina/instagram

Sa nasabing vlog ay makikitang marble ang sahig ng kaniyang “white themed” walk-in closet at ilan lamang sa mga designer bags na nahagip ng camera ay ang Chanel Quilted Jersey Classic Flap Bag na nagkakahalaga o umaabot sa presyong Php 212,187 habang ang Louis Vuitton Multicolor Alma PM bag naman nito ay nagkakahalaga ng Php 113,109!

Image courtesy: dianne_medina/instagram
Image courtesy: dianne_medina/instagram

Dalawa pa lang iyon sa mga koleksyon na bag ng aktres at wala pa dito ang presyo ng kaniyang mga damit at sapatos. Kung iisipin nga ay aabot sa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng gamit sa walk-in closet ng soon-to-be-mommy na si Dianne Medina.

Image courtesy: dianne_medina/instagram

Sa kasalukuyan ay mayroon siyang balak na ibenta ang ilan sa mga ito lalo na ang mga damit na hindi na halos magkasya sa kaniya dahil na rin siya ay nagdadalang tao sa ngayon.

Image courtesy: dianne_medina/instagram
Image courtesy: dianne_medina/instagram

“Since most of my clothes don’t fit me anymore, time to fix my closet. I will also sell some bags that are used once and those that are brand new”, pahayag ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: diannemedinashop/instagram
Image courtesy: dianne_medina/instagram
Image courtesy: diannemedinashop/instagram

Sinimulan ni Dianne na ibenta ang kaniyang mga pre-loved items sa pamamagitan ng paggawa ng isang Instagram account na kaniyang tinawag na ‘Diannemedinashop’ at dito niya i-pinost ang lahat ng kaniyang mga gamit na nais na niyang ibenta. Sobrang mura ng kaniyang mga ibinebenta kumpara sa mga orihinal na presyo nito kaya naman marami ang gustong bumili ng mga kagamitan ng aktres.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *