Ang tambalang Chubi Del Rosario at Anne Curtis ang kinakakiligan noon, ito na ang buhay ngayon ng dating aktor

Si Chubi ay isang sikat na aktor na ka love team ng sikat na aktres na si Anne Curtis noong 90s na tinaguriang the boy next door. Madami ang pinakiliig ng dalawa noon, kung baga sila ang kathniel ng 90s.

Image courtesy: @annecurtissmith
Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram

Ayon sa aktres ang kanilang tambalan ay sumikat sa programa ng GMA na pinamagatang “T.G.I.S” at dahil dito madami pang programa ang kanilang nagawa na sila ang magka-loveteam na sumikat.
Ngunit dumating ang punto na umalis din ang dating aktor sa showbusiness upang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin tulad na lamang ng pagiging children’s host at isang entrepreneur.

Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram
Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram



Noon lamang 2008 nagkaroon sila ng reunion ng mga dati niyang katrabaho sa showbiz kasama ang kanyang ka loveteam na si Anne Curtis. Base sa mga litrato na kumalat online makikitang masaya silang nagkita kita ng mga dati niyang kasamahan tulad nina Vanna Garcia at Aiza Marquez.

Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram

Makikita at mapapansin natin sa mga post ng dating aktor na kahit nilisan na niya ang showbiz ay matagumpay niyang naitaguyod ang kanyang pangarap na trabaho at kahit na hindi na siya artista, nananatili pa din ang komunikasyon niya sa kanyang mga dating katrabaho at kaibigan.

Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram
Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram

Masasabi natin na mali ang inaakala ng mga tao na pag ikaw ay nasa showbiz industry ay wala ka ng magiging tunay na kaibigan ngunit naging patunay ang dating aktor na si Chubi Del Rosario na hanggang ngayon hindi pa din nalilimot ng mga dati niyang katrabaho at tinutiring pa din siyang kaibigan.

Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram
Image courtesy: Chubi Del Rosario/Instagram

Ayon nga sa kanyang isang post sa social media na sobrang siyang masaya sa buhay niya ngayon at sa kanyang tinahak na daanan na siya mismo ang pumli. Nagpapasalamat din siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa suporta at hindi pag iwan sa kanya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *