Mga manggagawa na “No work, No pay” pinagkalooban ni Gretchen Ho ng libreng bisikleta upang sila’y hindi na maglakad ng ilang oras

Makalipas ang ilang buwan na ating dinanas dahil sa problemang kinakaharap ng buong mundo marami sa mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho at yung iba pa ay may polisiya na “no work, no pay.”

Image courtesy: Gretchen Ho/Instagram



Sa kasalukuyan hirap din ang ibang manggagawa na sumakay sa mga pampublikong transportasyon papunta sa kanilang trabaho dahil limitado lamang ang pwedeng pasakayin nito upang maiwasan ang pagkalat ng karamdaman na ating kalaban na hindi masilayan.

Image courtesy: Gretchen Ho/Instagram

Kung kaya ang anchor at dating volleyball player na si Gretchen Ho ay nagdesisyon na mamigay ng bisekleta sa dalawang maswerteng manggagawa upang magamit nila ito papunta ng trabaho. Nito lamang nakaraang selebrasyon ng “World Bicycle Day” binigyan ng regalo ni Gretchen Ho ng bisekleta ang dalawang manggagawa na kanyang nakilala.

Image courtesy: Gretchen Ho/Youtube

Napagtanto kasi ni Gretchen ang hirap ng mga manggagawa sa araw- araw na kanilang dinadanas papuntang trabaho lalo na sa pagsakay ng mga ito sa mga pampublikong sasakyan. Saad din ng dating volleyball player na di niya lubos maisip na kapag wala ng masakyan ang ibang manggagawa ay naglalakad na lamang nang kay tagal ang mga ito upang makapasok sa kanilang trabaho.

Image courtesy: Gretchen Ho/Youtube

Kung kaya ang mga bagay na ito na napansin ni Gretchen Ho ay nagbigay sa kanya ng dahilan upang magbigay ng bisekleta sa dalawang manggagawa.

Image courtesy: Gretchen Ho/Youtube



Ayon sa facebook post ni Gretchen, “I know there’s been so much stress over bike lanes & transport issues. but here’s some #Happinews for today’s #WorldBicycleDay: Gave away bikes to two no work-no pay employees.”

Image courtesy: Gretchen Ho/Youtube

Ibinahagi din ng dating volleyball player at host ang kwento ng buhay ng napili niyang bigyan ng bisikleta. Ang isa rito ay ang gwardya na babae na madalas maglakad papuntang trabaho sa loob ng apat na oras.

Image courtesy: Gretchen Ho/Instagram

Dagdag pa ni Gretchen “Nanay Claire is a lady guard who stopped working kasi hindi niya raw kaya yung 4-hour one-way walk to work mula San Mateo hanggang Novaliches. 12 hours duty tapos 4 hour walk ulit. Imposible. Pero ngayon, may bisikleta na siya kaya makakatrabaho na siya ulit!”

Image courtesy: Gretchen Ho/Instagram

Ang isa naman ay isang frontliner na nagtratrabaho sa isang supermarket. Saad ng dating Volleyball player at host na si Gretchen “Rufino, on the other hand, is a merchandiser at a supermarket. As a frontliner, wala siyang tigil sa trabaho simula nung quarantine, kaya naman kailangan maglakad mula Caloocan hanggang Quezon City.”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *