“I’m finally free”, Jessy Mendiola, ibinahagi ang kaniyang natutunan na Self-love sa kabila ng mga hindi magandang komento ng ilang netizens

Isa si Jessy Mendiola sa mga aktres sa showbiz na naging matatag sa kabila ng lahat ng pang-iinsulto at negative comments na binabato sakaniya ng mga netizens. Halos ilang taon rin nakaramdam ng low confidence ang aktres dahil sa mga taong madalas pumuna sa kaniyang timbang at maging na rin sa kaniyang mga ka-relasyon sa buhay.

image courtesy: Instagram/senorita_jessy



Lahat na yata ng mabibigat na salita ay narinig na ni Jessy subalit nanatiling matatag ang aktres at kinaya ang lahat ng binabatikos na negatibong komento sa kaniyang buhay.

image courtesy: Instagram/senorita_jessy

Sa katunayan, marami siyang natutunan sa karanasan na ito kung saan ito ang nagturo sakaniya kung paano tanggapin kung ano ang kaniyang sarili at maging matapang na harapin ang ano mang problema na kaniyang pagdadaanan.

Sa isang Instagram post nitong nakaraang mga araw, ibinahagi ni Jessy ang isang napaka-inspiring na mensahe tungkol sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga natutunan at dapat matutunan ng bawat isa sa atin sa ating buhay.

image courtesy: Instagram/senorita_jessy

“I’m finally free of doubts, anger, and insecurities. My whole life I’ve been in a constant battle with myself. I’ve always doubted what I could do. I was afraid of change. I couldn’t see my worth and how important I was in this life…” panimulang caption ng aktres.

Kagaya ng bawat tao ay madalas din daw kwestyunin ni Jessy ang kaniyang sarili at madalas rin itong nababalutan ng insecurities. May mga panahon rin daw minamaliit niya ang kaniyang mga kakayahan at tila ba parang hindi nito alam kung ano ang worth nito bilang isang tao.

image courtesy: Instagram/senorita_jessy

“Every little comment or opinion of others about me affected me like I was defined by how people thought of me. I kept losing myself just because I wanted to please others. I was afraid to do so many things that made me happy because I was worried that others would judge me. I’ve let myself become someone else, all those years I kept hating myself for always giving so much to other people that I kept forgetting how to love myself.”

image courtesy: Instagram/senorita_jessy



Dahil sa mga batikos at negative comments ng mga bashers, apektado raw ang aktres sa lahat ng mga sinasabi ng mga ito patungkol sa kaniyang bawat galaw. Kwento ng aktres, pilit raw nitong sinusubukan na magustuhan siya ng mga tao upang hindi na siya sabihan ng mabibigat na mga salita subalit natutunan nito na hindi niya kailangan na magustuhan siya ng iba para lang magkaroon ng self worth.

image courtesy: Instagram/senorita_jessy

Natutunan niyang palipasin ang panahon at i-let go ang lahat ng struggles at failures na kaniyang naranasan sa buhay. Pati ang kaniyang takot na mahusgahan ng mga tao ay kaniyang pinaghirapan na tanggalin sa kaniyang isip.

“My entire life, I felt like I was on a roller coaster ride that would never end but finally, it has ended. I finally feel at peace. I’ve lost who I was and now I found myself again only to learn that God has never left my side, he showed me how worthy I am and what I am capable of doing.”

image courtesy: Instagram/senorita_jessy

Masaya si Jessy na nahanap niya ang kaniyang sarili sa mga panahon na hirap na hirap siya sa kaniyang mga pinagdaanan na anxieties at insecurities. Thankful sa Panginoon ang aktres dahil nakawala siya sa kaniyang mga problema at mas naging strong pa ang kaniyang Faith lalo na ngayon na narealize niya ang kaniyang halaga bilang isang tao.

“God woke me up and made me realize my worth as a human being… He CHANGED me… He taught me how to value myself again and I’m just so grateful. I’ve never felt this feeling before. I am whole again. I am not afraid anymore. I’m taking the leap. I am free,” caption ng aktres sa kaniyang post.

Malaki na rin ang pinagbago ni Jessy ngayon lalo na ang kaniyang timbang at tila ba nagkaroon ito ng new perspective in life kung saan positivity and self love na lamang ang kaniyang iniisip at natuto na siyang huwag pansinin ang ano mang komento ng tao sa kaniyang buhay.

Hugs to you, Jessy!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *