Kilalanin si Baby Michaela, ang apat na buwang gulang na sanggol na anak ni Ethel Booba

Noon lamang nakaraang Hunyo 17 ipinagdiwang ng mag-asawang sina Ethel Booba at Jessie Salazar ang ika-apat na buwan ng kanilang unang anak na babae na si Michaela.

Image courtesy: Ethel Booba/Instagram



Nanganak ang kilalang Komedyante at singer na si Ethyl Gabison o mas kilala sa pangalang Ethel Booba noong Pebrero 14.

Ang kanyang asawa na isang non-showbiz personality na si Jessie Salazar ay masayang sinalubong ang kanilang munting anghel na kalaunan ay binansagang Little Booba at nito lamang nakaraang Miyerkules Hunyo 17 ay masayang ipinagdiwang ng mag asawa ang ikaapat na buwang kasama nila ang kanilang munting anghel na si Michaela.

Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Kung ating matatandaan, na madalas magpost ng Vlogs ang actress tungkol sa kanilang pagiging magulang sa kanilang anak at pinapakita sa kanilang mga vlogs ang kanilang ginagawa sa pang araw-araw nitong mga gawain at kaganapan na nagyayari sa kanilang buhay nito lamang nakaraang napasailalim pa sa ECQ ang buong Metro Manila.

Image courtesy: Ethel Booba/Youtube



Si Ethyl Gabison o mas kilala sa pangalang Ethel Booba ay pinanganak noong Disyembre 17,1976. Isa siya sa mga multi-talented na artista at kilala siya bilang isang komedyante, author at singer at tinagurian din siyang Twitter Goddess ng kanyang mga tagasuporta.

Image courtesy: Ethel Booba/Youtube

Noon lamang nakaraang taon sa programa ng ABS-CBN na pinamagatang “It’s Showtime” unang ibinunyag ng komedyante/singer na siya ay anim na buwan ng nagdadalang tao sa kaniyang unang anak sa kanyang matagal ng nobyo na si Jessie Salazaar na nakilala niya sa isang pagdiriwang noong 2017.

Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Sinimulan ni Ethel Booba ang kaganapan sa pagdiriwang ng ikaapat na buwan ng kanilang anak sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bulaklak sa kanilang bakuran at kasunod nito ang pagbihis ng magandang pulang damit na kung saan ay terno silang pamilya ng kulay ng kanilang kasuotan, makalaunan ay nagpakuha sila ng isang maganda at di malilimutang Family picture na magiging tanda ng kanilang buo at masayang pagmamahalan sa isa’t isa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *