Coney Reyes ibinahagi ang mga lumang larawan ng kanyang anak na si Vico Sotto para sa kaarawan nito

Ibinahagi ni Coney Reyes ang paboritong larawan ng kanyang anak na si Vico Sotto na kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang kanyang kaarawan.

Image courtesy: Coney Reyes/Instagram



Kung ating matatandaan nito lamang Hunyo 17 ay nagdiwang ng kaarawan ang napakagwapo at masipag na Mayor ng Pasig na si Vico Sotto ng kanyang 31st birthday. Kung kaya ang kanyang ina ay hindi mapigilang ibahagi sa netizens ang mga paborito nitong larawan ng kanyang anak na hinangaan naman ng karamihan.

Image courtesy: Coney Reyes/Instagram
Image courtesy: Coney Reyes/Instagram

Ang mga nasabing larawan ay nagsimula mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyang Vico Sotto na ating kilala. Dahil dito hindi natin maipagkaila na talaga namang close ang actress na si Coney Reyes at ang kanyang anak na si Vico Sotto.

Image courtesy: Coney Reyes/Instagram
Image courtesy: Coney Reyes/Instagram



Si Vico Sotto ay ipinanganak noong Hunyo 17, 1989 na ngayon ay 31 taong gulang na, una siyang pumasok sa pulitika noong 2016 bilang isang konsehal ng Pasig. Samantala si Constancia Angeline Reyes Nubla o mas kilala sa pangalang Coney Reyes naman na ina ni Mayor Vico Sotto ay ipinanganak noong Mayo 27,1953, siya ay sikat na actress, comedian, host at producer.

Image courtesy: Coney Reyes/Instagram
Image courtesy: Coney Reyes/Instagram

Kasabay ng mga larawang na-ipost sa social media ni Coney Reyes ay may kasama itong bible verse para parangalan ang kaarawan ng kanyang anak.

Para naman sa Mayor ng Pasig na si Vico Sotto, hindi siya naghahangad ng kahit anong regalo o pagdiriwang kundi ang tanging hiling lang niya sa kanyang kaarawan ay makapagbigay at makapaglikom ng mga donasyon tulad ng pagkain na kanyang ibabahagi sa mga taong nangangailangan sa gitna ng pandemya na nararanasan ng bansa.

Narito ang napakagandang mensahe ni Coney Reyes para sa kanyang anak na si Vico Sotto:

Image courtesy: Coney Reyes/Instagram
Image courtesy: Coney Reyes/Instagram

“Happy Birthday photos 6-17-2020 ️@vicosotto Happy Birthday!!! 🥰 I will always be here praying for you, helping you in any and every way I can. I love you so much, son! I praise and thank God for you everyday. “May He give you the desire of your heart and make all your plans succeed. We will shout for joy when you are victorious and will lift up our banners in the name of our God. May the Lord grant all your requests.” – Psalm 20:4-5️”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *