Ito ang good parenting style nina Bernadette Allyson at Gary Estrada sa kanilang mga anak pagdating sa mga gawaing bahay

Isa may pinakamagandang pamilya sa industriya ng showbiz ay ang mag-asawang Gary Ejercito at Bernadette Allsyon. Kung sila ay inyo pang naaalala, lumabas sa ilang proyekto sa industriya ang dalawang ito lalo na noong panahon ng 90s. Subalit dahil na rin sa naging isang provincial board member si Gary Estrada ay nagfocus na lamang ito sa kaniyang tinahak na trabaho at maging si Allyson ay focus rin sa pagpapalaki sa kaniyang tatlong napakagandang mga anak.

Image courtesy: Instagram/garyejercito



Busy man noon si Gary sa kaniyang pagiging board member ay nagkaroon naman ito ng napakaraming bonding moments kasama ang kaniyang asawa at mga anak ngayong panahon ng krisis.

Image courtesy: Instagram/bernadetteallyson_e

Sa katunayan, ang beautiful family na ito ay namumuhay lamang ng simple sa kanilang probinsya sa San Antonio, Quezon kung saan sila ay kasalukuyang naka-stay-at-home. Masaya si Gary na nagkaroon ito ng oras upang makapag-bakasyon ng tahimik sa kanilang probinsya at maturuan ang kaniyang mga anak ng ilang household chores.

Image courtesy: Instagram/garyejercito

Habang bata pa ang mga ito ay talagang tinuruan na nina Gary at Bernadette ang kanilang mga anak na maging responsable sa mga gawaing bahay kahit na may kaya ang mga ito na mag-hire ng kasambahay o househelper.

Image courtesy: Instagram/garyejercito
Image courtesy: Instagram/garyejercito

Hindi mo aakalain na ang mga mala-artistang ganda ng kanilang mga anak ay marunong ng ilang gawaing bahay tulad na lamang ng paglalaba. Sila ang in-charge sa paglalaba habang ngayong walang pasok kung saan makikita nga naman talaga sa mga post ni Gary na ang mga bata mismo ang nagsasampay at naglalaba ng kanilang mga damit.

Image courtesy: Instagram/garyejercito
Image courtesy: Instagram/garyejercito



Isa sa pinaka unang chores nila sa umaga ay ang ligpitin ang kanilang pinag higaan. Araw-araw raw na ginagawa ito ng kaniyang mga anak bilang kanilang pangunahing trabaho sa bahay.

Image courtesy: Instagram/garyejercito
Image courtesy: Instagram/garyejercito

Araw-araw na tinuturan ng mag-asawang sina Gary at Bernadette ang kanilang tatlong anak na gumawa ng mga gawaing bahay dahil nais nilang matuto maging responsable ang kanilang mga dalaga. Maging ang pagpapaligo sa kanilang mga aso ay ang mga bata ang abala sa paggawa nito.

Image courtesy: Instagram/garyejercito
Image courtesy: Instagram/garyejercito
Image courtesy: Instagram/garyejercito

Sa katunayan, si Gary mismo ay marunong ng halos ng lahat ng household chores mula sa pagiging carpentero, repairman at tubero ng kanilang bahay kaya naman proud na proud si Bernadette na all around man ang kaniyang asawa. Paminsan-minsan rin ay si Gary ang naglalaba at nagsasampay ng kanilang mga damit sa tulong ng kaniyang mga anak.

Image courtesy: Instagram/garyejercito

Napakagandang training ito para sa mga bata upang maging productive ang kanilang araw kaya naman maraming netizens ang natutuwa na tinuturuan ng mag-asawa ang kanilang mga anak sa mga gawaing bahay na hindi na gaano ngayong ginagawa ng mga kabataan.

Image courtesy: Instagram/bernadetteallyson_e

Kudos sainyo Bernadette Allyson at Gary Estrada! Keep the good work girls!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *