Proud at masayang ipinagdiwang ni Ina Raymundo ang graduation ng kaniyang anak na si Erika

Nakakalungkot na hindi naranasan ng mga estudyanteng nagtapos ngayong taong 2020 ang grand graduation ceremony na madalas pinaghahandaan noon. Isa na dito ang sikat na napakagandang anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae na hindi rin nakaranas ng graduation at pag-marcha sa entablado ngayong nakapagtapos ito ng highschool.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95



Image courtesy: Instagram/inaraymundo95
Image courtesy: Instagram/inaraymundo95

Kwento ni Ina, mabigat man sa loob ni Erika na hindi makaranas ng graduation dahil sa krisis ngayon ay hindi na lamang raw niya ito iniisip at mas mahalaga na lamang raw na tignan ang positivity sa buhay kaysa magmukmok pa ito dahil hindi siya nakaranas ng graduation.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95

Dahil nais masurpresa ng aktres ang kaniyang anak ay naisipan nilang magkaroon ng mini home graduation ceremony upang mapasaya ang kaniyang anak at maramdaman nito kung gaano siya ka-proud kay Erika.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95



Kaya naman sa araw ng online graduation ni Erika ay todo suporta si Ina kung saan nagkaroon sila ng kaunting salu-salo upang ipagdiwang ang home graduation ng kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95

Suot ni Erika ang kaniyang toga at graudation cap at nakaayos ang bawat isa sa pamilya na tila ba mayroon silang dinaluhan na grand celebration.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95
Image courtesy: Instagram/inaraymundo95

“Dear Erika, Dad and I asked you over dinner last night how you feel about graduation via zoom. You said that this whole thing is surreal, but you’re trying to dwell on the negative and look at only the positives that will come out of this. Despite everything that is happening, you’re still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters. We will always be proud of you, Ate Erika! Congratulations on your graduation and best wishes for your next adventure! Much love, Mom and Dad.” caption ni Ina sa kaniyang Instagram post para sa kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95

Kahit online graudation lamang ang tanging ceremonya na natanggap ni Erika ay sobrang saya at masasabi niya na ito ang best graduation celebration na kaniyang natanggap.

Image courtesy: Instagram/inaraymundo95

Congrats Erika!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *