Ibinahagi ni Sofia Andres na siya ay isang ganap nang ina sa isang napakagandang baby girl

Nito lamang nakaraang Father’s Day celebration, ay maraming mga netizens ang namangha sa post ni Sofia Andres. Akala nila ay kung anong pagbati lamang ito, ngunit sa nasabing pagbati ay may kaakibat na post ng family picture kung saan kasama ni Sofia Andres ang kanyang unang anak na si baby Zoe sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Image courtesy: Sofia Andres/Instagram



Image courtesy: Sofia Andres/Instagram

Kung ating matatandaan una siyang lumabas sa teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang “Princess and I”. Si Sofia Louise Alejandre Andres o mas kilala sa pangalang Sofia Andres ay ipinanganak noong Agosto 24, 1998 at kasalukuyang 21 taon gulang.

Image courtesy: Sofia Andres/Instagram

Nagsimula ang pagbati ng aktres nang Father’s Day sa kanyang ama na ayon sa kay Sofia siya na ito ang kanyang first love. Ayon sa kanyang post “And since today is a special day for the fathers, I just want to take the chance to celebrate my first love, my dad who has been with me through ups and downs. Thank you Daddy for the generosity and the love.”

Image courtesy: Sofia Andres/Instagram

Kasunod nito ang pagbati niya sa kanyang Boyfriend na si Daniel Miranda na kanyang pinasalamatan ng lubos. Bahagi ng aktres “I also want to celebrate my greatest love, Daniel. I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world. Not only that, you (sic) also been part in giving me my greatest happiness—our little angel,”

Image courtesy: Sofia Andres/Instagram



Pinahayag din ng aktres kung gaano siya kakontento sa mga bagay na meron siya ngayon. Narito ang kanyang pahayag“because I have my dad who always has my back, my love who loves me for who I am and now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times.”

Image courtesy: Sofia Andres/Instagram

Maliban sa post ng aktres sa pagbati ng Father’s Day sa kanyang boyfriend at ama, ibinahagi din niya ang isang maiksing bidyo patungkol sa kanyang karananasan sa pagdadalang tao. Ibinahagi din ng aktres na meron nagbago sa kanyang pananaw sa buhay simula ng ipinanganak niya ang kanyang munting anghel na si Zoe na binansagan niyang “princess, our sunshine”.

Image courtesy: Sofia Andres/Instagram

Isa sa mga huli niyang ibinahagi sa kanyang social media ay ang pag welcome niya kay baby Zoe sa Christian world. Bahagi ng aktres “Your true home, The Christian world welcomes you, my love.”
Marami din siyang pinasalamatang mga tao na naging parte ng kanilang buhay na kung ating mapapansin ay nakapaskil sa huling post ng aktres sa kanyang social media account.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *