Usap-usapan ngayon ang mga larawan ng hindi pa kumpirmadong kasal nang dating PBB Housemate na si Tanner Mata kasama si Maria Fabiana

Simula nang lumabas at kumalat ang larawan ni Tanner at Maria na nakasuot ng pang kasal, hindi mapakali ang kanilang mga tagahanga at tagasubaybay. Madami sa kanila ang nagtatanong kung talaga bang ikinasal ang dalawa o ito ay isang photo shoot lamang.

Image courtesy: Maddy Christina/Facebook





Image courtesy: Maddy Christina/Facebook

Dahil sa hindi makumpirma ng mga netizens kung ano nga ba ang katotohanan sa likod ng nasabing mga larawan. Pero ang naging kumento na lamang nila sa nasabing larawan ay parehong magandang tingnan sina Tanner at Maria sa kanilang suot na mga damit.

Image courtesy: Maddy Christina/Facebook
Image courtesy: Maddy Christina/Facebook





Nito lamang Hunyo 16 nakitang nag post si Tanner na dating housemate sa PBB ng larawan kasama si Maria sa Instagram na para bang sila ay ikinasal na may kasamang caption na “Who’s keeping you strong in these difficult and trying times? Cherish whoever it maybe”.

Ang nasabing litrato ay kinunan sa Dubai at mapapansin dito ang sikat na gusali na tinatawag na“Burj Khalifa” na makikita sa isang larawan. Matagal nang magkaibigan ang dalawang dating housemate ni kuya na si Tanner at Maria bago pa man sila pumasok sa PBB house.

Image courtesy: Maddy Christina/Facebook
Image courtesy: Maddy Christina/Facebook

Ngunit sa mga paglipas ng panahon hindi pa rin alam ng nakararami ang buhay ng dalawang dating housemate na ito. Ang dating housemate na si Maria ay isang Brazilian model na nagtratrabaho sa IM Agency na kung saan sa parehong Agency din nagtatrabaho ang ibang kilala at sikat na personalidad katulad na lamang nina Catriona Gray, Valerie Weigmann, Tyler na kapatid ni Tanner at mismong si Tanner.

Image courtesy: Tanner Mata/Instagram
Image courtesy: Tanner Mata/Instagram

Sa isang post naman ni Maria ay makikita ang isang larawan na magkasama sila ni Tanner sa isang music festival at mapapansin ang pagiging sweet ng dalawa sa isa’t isa at may caption na: “You’re a great ending to a tough day, and the best start to a new day!” Sa tingin nyo ikinasal na nga ba ang dalawa?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *