Kilalanin ang napakagandang inhinyera na kapatid ni Niño Muhlach na nagngangalang Angela Kristine Muhlach

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa magkapatid na gwapo na sina Nino at Aga Muhlach? Ngunit lingid sa ating kaalaman na meron pala silang mas nakakabatang kapatid na babae na sobrang ganda at kung tutuusin ito ay pasado at pasok sa mundo ng showbusiness.

Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram



Subalit mas pinili ni Angela Muhlach na pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral kaysa sa pag-arte at pasukin ang mundo ng showbusiness. Ang kapatid ni Niño Muhlach ay nagtapos sa De La Salle University sa kursong Industrial Engineering.

Sa kanyang instagram account ating mababasa na siya ang kauna-unahang miyembro ng pamilya na nakatapos sa kursong Engineering at ito ay isang malaking karangalan para sa kanya at sa kanilang pamilya.

Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram
Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Simula pa noong una, ito na ang gustong gawin ni Angela ang makapagtapos sa kurso na kanyang pinili at pasukin at gawin ang gusto niyang trabaho. Kung atin pang hahalungkatin ang kanyang mga post sa kanyang social media account, makikita ang iilang impormasyon tungkol sa kanyang sarili.

Siya ay 24 taon gulang pa lamang at kasalukuyang ginagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay at kasabay nito ang pagbibigay din ng makabuluhang oras para sa kanyang pamilya.

Image courtesy: Niño Muhlach/Instagram
Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram



Hilig ng dalaga ang pumunta sa iba’t ibang lugar at sa katunayan, nito lamang Mayo 2014 ay pinili niyang magbakasyon sa mga bansang may magagandang tanawin at magandang pasyalan tulad na lamang ng Europe. Nakapunta na din ang dalaga sa London, Spain, Holland, Rome, at sa Netherlands.

Isa pa sa mga mapapansin natin sa dalaga na siya ay malapit sa kanyang ama na si Alexander Muhlach at madalas itong lumabas kasama ang kanyang ama at makipag-date, dahil dito hindi maitatanggi na ang nakababatang kapatid nina Niño at Aga Muhlach ay isang “Daddy’s Girl.”

Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram
Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Dahil sa kagandahang taglay ni Angela Muhlach marami sa mga netizens ang nagtatanong kung ang dalaga ba ay may balak na pumasok sa mundo ng showbusiness sa darating pang mga panahon?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *