Labis na suporta ang ibinigay ni Judy Ann Santos sa kanyang mga tauhan sa kanilang restaurant noong panahon ng Ecq

Dahil sa problema na nararanasan ng bansa, hindi maikakaila na marami sa ating kababayan ang nawalan ng trabaho at nakaranas ng hindi mapantayang hirap at pagsubok sa buhay.

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram



Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Kung kaya nag-isip ng maraming paraan ang aktres na si Judy Ann Santos at ang kanyang asawa na si Ryan Agoncillo upang makatulong at matugunan ang pangangailangan ng kanilang staff sa restaurant.

Sadyang sobrang bait at maalalahin ang aktres lalo na sa mga tao sa kanyang paligid at ang kanyang ginawa ay nagpapatunay lamang na talagang naiintindihan niya ang hirap na dinadanas ng mga tao na nakapaligid sa kanya sa panahon ngayon.

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Ramdam ng aktres at aktor ang pakiramdam ng mga tao na nawalan ng hanap buhay na kanilang pinangsusuporta at binubuhay sa kanilang mga pamilya. Alam naman nating lahat na ang mag-asawang Judy Ann at Ryan ay mayroon pinapatakbong restaurant na ang tawag ay “Angrydobo”.

Noon lamang March 17 kung ating matatandaan nagsimula ang ECQ, kung kaya karamihan ng mga negosyo ay sarado at yung iba naman ay nagbubukas ngunit limitado ang operasyon at isa na doon ang restaurant nina Judy Ann.

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Narito ang naisaad ng aktres nang siya ay kamustahin sa kanyang negosyo “With the lockdown, ang first thing in mind talaga naming naisip, ano ang mangyayare sa mga staff”. “Paano na sila?”

Sa pahayag ng aktres mapapansin natin na talagang nag-aalala siya sa kanilang mga tauhan dahil sila ang sobrang maapektuhan ng pansamantalang pagsara ng restaurant.

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram



Pahayag ng aktres “Lalo na iyong mga staff naming sa Westgate, kasi kakabukas pa lang ng second branch, e. ”

“We were just starting to get the hang on of it, and then the lockdown happened.” Dagdag ng aktres.
Sa sinabi ng aktres masasabi natin na hindi nila inaasahan ang biglang pagsara ng kanilang restaurant.

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Ngunit sa kabila ng mga kaganapan at pagsubok hindi nawalan ng lakas ng loob ang aktres kundi naghanap ito ng paraan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga tauhan na tinatawag niyang “Cast Members”.

Saad ng aktres “What we did… some of our supplies, pinauwi na namin sa staff namin, kasi para ma-prepare din sila sa lockdown.”

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Dagdag pa niya “Because it was a sudden lockdown, not everyone has prepared”. ”Imbes na masayang iyong pagkain, Mabuti itulong na lang namin.”

Nagawa ito ng aktres dahil alam niya ang magiging epekto ng pagsara ng kanilang restaurant dala ng pandemya sa kanilang mga tauhan. Aniya “Para lessen na iyong worries nila, at least for a week, or atleast tatlong araw man lang medyo kampante na kami na okay iyong mga cast members namin”

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Pagkalipas ng ilang araw simula ng lockdown kung ating maalala, ay pinayagan ding mag bukas ang mga restaurant ngunit hindi pa din nagbukas ng restaurant ang aktres sa kadahilanang mas inuna niya ang kapakanan at kaligtasan ng kanyang mga tauhan.

Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Hanggang ngayon ay patuloy pa din sa pagtulong ang aktres kasama ang kanyang asawa sa kanilang mga tauhan hanggat sa abot ng kanilang makakaya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *