Siya si Nanette Medved, ang dating gumanap na Darna na mayroon na ngayong payak at mas masayang buhay

Karamihan sa pangarap ng ilan sa atin ay makilala sa industriya ng show business at maging magaling na aktres o aktor. Ganoon pa man, hindi lahat ay nabibiyayaan ng pagkakataon para makapasok sa prestihiyosong mundong ito.

Sa kabilang banda, mayroon din namang mga artista na mas pinipiling lisanin na lamang ang industriya ng showbusiness para hanapin ang totoong nais nilang gawin sa buhay at mamuhay na lamang ng malayo sa kamera.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo



Isa na nga sa mga aktres na ito na tuluyang nilisan ang industriya ay ang dating sikat at napakagandang aktres na si Nanette Medved.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Marahil ay hindi na siya kilala ng karamihan sa mga kabataan ngayon dahil nag-umpisa siyang makilala noong dekada ’90.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo
Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Iba’t ibang papel sa pelikula ang ginampanan ni Nanette Medved at isa na nga dito ang kilalang karakter na si “Darna”. Hindi nga nakakapagtakang nagkaroon siya ng maraming proyekto dahil na rin sa taglay nitong ganda at talento. Maliban dito ay nakasama niya rin ang mga kilalang personalidad sa showbusiness kagaya na lamang ni “The King” FPJ.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Masasabi ngang nasa tugatog na noon ng kaniyang karera bilang artista si Nanette ngunit dumating ang panahon na mas nanaig sa kaniyang puso ang makatulong sa mga nangangailangan at mas nagfocus sa pagtayo ng ilang kumpanya kagaya ng Generation Hope Inc. at Friends of Hope Inc.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Ang mga ito ay naglalayon na matulungan ang mga pampublikong paaralan na may iilang mga estudyante na hirap sa buhay. Kasama rin sa kanilang programa ang pagsuporta sa mga magsasakang Pilipino.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo



Maliban sa pagtulong sa mga kababayan ay layunin din ni Nanette na pangalagaan ang kalikasan kaya naman itinayo niya rin ang Plastic Credit Exchange Inc. (HOPEx) kung saan tinutulungan niya ang mga kumpanya, negosyante at simpleng indibidwal na maging responsable pagdating sa paggamit at pagtapon ng plastik.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Napakarami ngang pinagkakaabalahan ang dating aktres at dahil nga sa sipag niya bilang isang philanthropist ay kinilala siya ng Forbes bilang isa sa mga “Heroes of Philantropy” noong taong 2017 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa kaniyang adhikain na makatulong sa mga nangangailangan.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo
Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Naging abala man sa kaniyang mga pangarap ay naalagaan pa rin ni Nanette ng maayos ang kaniyang asawa na si Christopher Po at ang kanilang dalawang anak.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Tunay ngang mas malawak ang kaniyang naging papel sa labas ng show business at mas marami ang nabigyan niya ng pag-asa sa buhay.

Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo
Image courtesy: Instagram/nanettemedvedpo

Isa ngang tunay na Darna si Nanette Medved!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *