‘Hangga’t pwede pa, bakit ka bibili ng bago’ ibinahagi ni Venus Raj ang kaniyang disiplina pagdating sa mga gamit

Naalala niyo pa ba ang morena at matangkad na binibibining nagdala ng bandila ng Pilipinas sa ginanap na Miss Universe noong taong 2010 at nag-uwi ng karangalan sa bansa ng masungkit nito ang ika-apat na pwesto? Siya ay walang iba kundi si Venus Raj, isang simpleng dalaga na ang tanging hangad ay maipakita sa buong mundo ang likas na ganda at talino ng mga Pilipino.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj



Lumaki si Venus sa isang payak na pamilya at sa kabila nga ng katanyagan na kaniyang natamo ay marami ang nakapansin na hindi pa rin ito nagbabago at nananatili itong down to earth o humble sa ibang tao.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj

Sa katunayan, kahit may kaya na sa buhay si Venus Raj ay iilan lamang ang kaniyang mga kagamitan. Ilan nga sa mga napansin ng karamihan ay ang pagkakaroon nito ng sapat lamang na mga gamit partikular na ang sapatos, bag at damit.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj

Ayon sa Miss Universe na si Venus Raj, disiplinado ito pagdating sa pagbili ng kaniyang mga kagamitan at hindi nito ugali ang pangongolekta ng mga sapatos, bags at gamit kagaya ng mga artista.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj

“Until your slippers or shoes are worn out, you couldn’t get a new one. I grew up in this discipline, kaya sinisira ko tsinelas mo para ibili ng bago“, pagbabahagi ng beauty queen sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj



Lumaki nga sa ganitong disiplina si Venus at sa katunayan, kahit ang sapatos na suot niya noong elementary graduation nito ay hiniram lamang niya sa kaniyang kaibigan. Marahil noong bata pa ay hindi niya ito lubos na nauunawaan at sumusunod lang sa utos ng kaniyang mga magulang ngunit habang lumalaki at nagkakaisip ay napagtanto niya na mahalaga pala ang disiplinang ito sa mga desisyon niya sa buhay.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj

Dahil nga dito ay natuto siyang pahalagahan ang mga bagay na meron siya at sa kabila ng kakayahang makabili ng kung anu-ano ay napipigilan niya ang sarili lalo na kung hindi pa naman ito gaanong importante.

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj

“…this discipline also taught me to be contented with what I have and maximize the use of things before I dispose them. Same discipline applies to my gadgets, bags, clothes, hangga’t magagamit pa, hangga’t pwede pa, bakit ka bibili ng bago?, dagdag pa ni Venus.”

Image courtesy: Instagram/onlyvenusraj

Talaga namang isang dakilang huwaran ang beauty queen na si Venus Raj para sa nakararami hindi lamang dahil sa kagandahang ugali nito kundi pati na rin sa mga pinaniniwalaan niyang disiplina na malaking tulong upang mapaunlad ang ating buhay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *