Natupad na ang pangarap na magarang Condominium Unit ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee

Nagbahagi ng larawan si Dimples Romana kasama ang kanyang asawa na si Boyet Ahmee sa kanyang social media account na kung saan makikita ang kanilang bagong biling condominium. Makikita sa larawan na naka-posing ang mag asawa at mapapansin ang magandang tanawin ng Makati Skyline sa likod nilang dalawa.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram



Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Para sa mag-asawa, napakalaking pagpapala ang natanggap nilang dalawa sa kabila ng pandemyang nararanasan ng ating bansa. Saad ng aktres “Today’s milestone. Offering this blessing to my Papa in heaven. My grateful heart sings praise for Your unending grace and love Father God. May the weekend bring forth blessings of peace and joy to you and your family! Magandang hapon po sa lahat from me and my love team for life,”

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Pinakita din ng aktres ang ibang bahagi ng kanilang bagong bahay na merong malalaking bintana na nagbibigay ng magandang disenyo nito at masasabi mo din na napakalaki ng condo unit na ito. Dahil dito hindi mapigilan ng mga kaibigan ng aktres tulad nina Erik Santos, Ruffa Gutierrez at Neri Miranda na maging masaya para sa nakamit ng kaibigan nila na si Dimples.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram
Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Napakomento na lamang ang matagal nang kabigan ng aktres na si Bea Alonzo na “I’m so proud of you” Ang dati namang katrabaho ng aktres sa teleseryeng Kadenang Ginto na si Adrian Lindayag na gumanap kay Niel ay nag komento naman ng “I remember clearly how this dream was prayed for, manifested, and materialiazed. Inspirasyon kayo Ate Dimples [at] Kuya Boyet.”

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram



Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Bahagi naman ng aktres tungkol sa kanyang naipundar na condo na ang lahat ng ito ay katas ng kanyang dalawang proyekto sa telebisyon na pinamagatang Bagani at Kadenang Ginto na kung saan minahal at sinubaybayan ng madaming mga Pilipino.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram
Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagbati sa aktres dahil sa mga pagpapala na natatanggap nito sa buhay. Nakasaad naman sa komento ng aktres na ang kanyang bagong condo unit ay matatagpuan sa Rockwell area sa Makati.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *