Hinarana ni John Manalo ang kanyang kasintahan sa kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng “Digital Harana”

Inawit ni John Manalo ang “Fly Me to the Moon” para sa kanyang matagal nang kasintahan na si Erika Rabara sa pagdiriwang nila ng kanilang anibersaryo. Dahil sa malawakang quarantine na nagaganap sa buong bansa na hindi nagpapahintulot ng pagtitipon-tipon sa kahit anong okasyon o kasiyahan.



Image courtesy: John Manalo/Instagram

Kaya naman humanap ng paraan ang dating “Goin’ Bulilit” star na si John Manalo upang maiparamadam sa kanyang matagal nang kasintahan na si Erika Rabara ang pagmamahal nito.

Image courtesy: John Manalo/Instagram

Ginamit ng aktor ang teknolohiya upang maipabatid ang kanyang taos-pusong pagmamahal sa kanyang kasintahan sa araw ng kanilang anibersaryo, kung kaya maraming mga netizens ang humanga sa aktor.

Image courtesy: John Manalo/Instagram



Ang aktor na si John Vladimir Cruz Manalo o mas kilala sa pangalang John Manalo ay ipinanganak noong Septyembre 6, 1995 at kasalukuyang 24 taong gulang. Siya ay miyembro ng Star Magic at isang Multi-Awarded na aktor. Para din sa ating kaalaman siya ay pamangkin ng sikat na aktor na si Jericho Rosales.

Sa social media account ng aktor na si John Manalo ay nagbahagi ito ng maiksing bidyo na kung saan ay makikita at maririnig na kumakanta siya ng “Fly Me to the Moon” na may kasamang mga maiikli at sweet na bidyo na magkasama sila ng kanyang kasintahan.

Image courtesy: John Manalo/Instagram

Dahil dito maraming netizens ang napasana-all at kinilig sa ginawa ng aktor para sa araw ng kanilang anibersaryo ng kanyang kasintahan at mararamdaman mo talaga ang tapat na pagmamahal nito para sa dalaga.

Saad ng aktor sa kanyang post “Happy Monthsary @erikarabara. I miss you. Sana magustuhan mo itong gift ko sayo. Thank you for keeping me safe lalo na panahon na ito. Pagpasensyahan mo na singing voice ko. Gusto ko lang mag-digital harana sayo. Mahal na mahal kita,”

Image courtesy: John Manalo/Instagram

Si Erika Rabara at John Manalo ay matagal nang magkasintahan at kung ating matatandaan nagtapos na ang dalawa sa kolehiyo dalawang taon na ang nakalipas.

Panuorin dito: John Manalo Digital Harana for Erika Rabara





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *