Masayang ipinagdiwang ni James Yap at Michela Cazzola ang ikalawang kaarawan ng kanilang anak

Ipinagdiwang ni James Yap ang kaarawan ng kanyang anak na babae na si Francesca nito lamang Hunyo 27. Nagbahagi umano ang sikat na Basketbolista na si James Yap ng mga litrato ng kanilang pagdiriwang sa kanyang social media account. Makikita sa litrato na sobrang saya ni Francesca sa pagdiriwang ng kanyang Birthday.

Image courtesy: James Yap/Instagram



Si James Carlos Agravante Yap Sr. o mas kilala sa pangalang James Yap ay ipinanganak noong Pebrero 15,1982. Isang siyang kilalang basketball player sa PBA sa ilalim ng kupunan ng Rain or Shine Elasto Painters. Samantala si Michela Cazzola naman ay ipinanganak noong Oktubre 27,1983 sa Italy at kilala siya bilang isang Intagram Star at social media influencer.

Image courtesy: James Yap/Instagram

Saad ni James Yap sa kanyang post sa social media “Happy 2nd birthday my love, Francesca. Papa loves you so much my Love,”. Mararamdaman at makikita naman natin sa litrato kung gaano kamahal ni James Yap ang kanyang mga anak.

Image courtesy: James Yap/Instagram

Mapapansin din natin na simple lamang ang ginawa nilang pagdiriwang, Mermaid Themed Birthday Celebration ang ginawa ni Michela at James Yap na sadyang tama lamang sa sobrang cute nilang chikiting. Handa naman ang basketbolistang si James Yap na suportahan ang pangarap ng kanyang mga anak hanggat sa abot ng kanyang makakaya.

Image courtesy: James Yap/Instagram



Ang mga kaibigan naman ni James Yap sa showbiz at sa court ay nagpahayag din ng kanilang pagbati sa anak nito na si Francesca. Isa na dito si Bianca Gonzales na ang sabi ay “She is so beautiful. Happy birthday Francesca!”

Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Hindi din nagpahuli si Dolly Carvajal na nagsabi ng “2 na si Frenchy. Happy bday sa imong ka guapa na princess (Happy bday sa imong napakaganda na princess),” Si Francesca ay ang ikalawang anak ni James Yap kay Michela Cazzola. Meron din silang naunang anak na nagngangalang Michael James na ipinanganak naman noong Agosto 2016.

Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Kitang-kita ang galak at kasiyahan ngayon sa buhay ni James Yap dahil sa kaniyang pamilya kung kaya’t marami sa kaniyang taga-hanga ang mas masaya para sa kanilang iniidolong basketbolista.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *