“I know a lot of women who have it” KC Concepcion, ibinahagi ang karanasan sa pagkakaroon ng PCOS

Ang PCOS ay isa sa pinaka common na kondisyon na nararanasan ng mga kababaihan. Ito ay isang hormonal imbalance na nararanasan ng mga babaeng nasa edad 20-40 pataas na kaugnay sa kanilang buwanang dalaw.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion



Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Isa si KC Concepcion sa mga babae na nakakaranas ng kondisyon na ito na kaniyang ibinahagi kamakailan lamang sa isang panayam.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Marami ang nagtataka kung bakit hindi na gaanong nakikita si KC Concepcion sa industriya at kung bakit hindi na ito tumatanggap ng ilang proyekto sa showbiz kaya naman minabuti ni KC na ibahagi nito ang rason kung bakit hindi na siya gaanong nakikita sa media.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Sa isang panayam ni KC Concepcion sa isang Youtube episode ni Tim Yap, ibinahagi ni KC na mayroong itong PCOS at ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-laylow muna ito sa industriya.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Ayon kay KC, simula ng ito ay nagpapa-treatment para sa kaniyang PCOS na kondisyon ay nagsimula rin na madagdagan ang kaniyang timbang dahil na rin sa ilang mga gamot para sa kondisyon niyang ito. Mapapansin sa ilang litrato na mas dumagdag ang kaniyang timbang kumpara noon. Para sa isang artistang katulad ni KC, mahalaga na mapanatili nila ang kanilang itsura at pangangatawan dahil ito ang kanilang mga puhunan sa industriya.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion



Maraming kababaihan ang nakakaranas ng PCOS ngunit hindi ito masyadong natatalakay, kaya naman nais ni KC na maging open sa topic at mag-raise ng awareness sa kondisyon na ito upang makatulong rin sa ilang mga kababaihan na mayroon nito.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Sa ngayon ay mas maayos ang kalagayan ng aktres at masaya sa kaniyang buhay kahit mag-isa lamang siyang tumitira ngayon sa kaniyang condominium mula ng magkaroon ng quarantine sa bansa. Focus muna ang aktres sa kaniyang sarili kung saan mas inaalagaan niya ang kaniyang pangangatawan ngayon upang maging healthy.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion
Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Nagsimula ang karera ni KC sa industriya ng showbiz taong 2003, mula noon ay napanood ito sa iba’t-ibang mga palabas sa telebisyon at bumida sa ilang mga pelikula. Nakatrabaho nito ang iba pang mga kilalang artista at nakatambal niya rin ang ilan sa mga pinakasikat na leading men sa Pilipinas na kagaya na lamang ni Richard Gutierrez.

Dahil naman sa natural na talento nito sa pag-awit katulad ng ina ay nagkaroon rin ito ng mga album at nakapagpasikat ng ilang mga kanta. Sa paglipas ng mga taon ay naging modelo at endorser na rin ito ng iba’t-ibang mga produkto at lumabas pa sa mga palatastas sa telebisyon.

Image Courtesy: Instagram/itskcconcepcion

Nagpatuloy ang paglago ng kanyang showbusiness career hanggang noong taong 2016 kung saan unti-unti na lamang itong nakikita sa ilang showbiz projects. Gayunman, active pa rin ito sa kaniyang social media accounts at madalas pa rin itong magbahagi ng kaniyang mga larawan sa kaniyang kasalukuyang lifestyle.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *