John Lloyd Cruz nanawagan sa mga Cebuano na makipag-koopera upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa naturang lugar

Ginamit ng aktor ang kanyang impluwensya upang pakiusapan ang mga Cebuano na makipagtulungan sa gobyerno at frontliners para maiwasan ang paglaki ng kaso ng C0v!d. Alam naman natin na madalas ang aktor sa Cebu simula nang magpahinga ito sa showbusiness kung kaya masasabi natin na malapit ang Cebu at ang mga Cebuano sa puso ng aktor.

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram



Pinapaalala ng aktor sa mga Cebuano ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay, pananatili sa tahanan at ang kahalagahan ng social distancing upang hindi mahawa at makahawa sa kapwa.

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram
Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Sa isang bidyo na pinalabas ng Philippine Medical Alumni Society- Cebu Chapter makikita si John Lloyd na nagsasalita ng Cebuano at may halong tagalog. Saad ng aktor “Ako man guilty usahay. [Kahit ako guilty minsan]. Pero sugod karon, wa nay rason. [Pero simula ngayon, wala nang rason]. No more excuses”

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram
Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram



Dagdag pa ng aktor “Magsuot ho tayo ng face mask. Maghugas lagi ng kamay. Manatili po tayo sa ating mga balay [bahay]. At kung kinakailangan po lumabas, sundin po ang social distancing. Naay paglaum. Kita ang paglaum. [There is hope. We are the hope].”

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Ang ginawa ng aktor na ito ay lubos na ikinatuwa ng Philippine Medical Alumni Society- Cebu Chapter dahil pinaparamdam umano ng aktor kung gaano niya pinapahalagahan ang mga Cebuano. Saad ng UPMAS-Cebu “Naa pa tay second chance. Naay paglaum. Kita ang paglaum. Thank you John Lloyd Cruz. [We still have a second chance. There is hope. We are the hope.”

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Nito lamang nakaraang araw itinalaga ng ating Pangulong Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu na dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na mangasiwa sa mga ginagawang hakbang ng lokal na gobyerno ng Cebu upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao at tuluyang maibaba ang kaso ng C0v1D.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *