Ipinakita ni Andi Eigenmann ang kaniyang pure love sa partner na si Philmar Alipayo para sa kanilang Anibersaryo

Kung ating matatandaan madami ang nabigla nang lisanin ng sikat na aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang career upang manirahan sa Siargao. Hindi talaga natin masasabi kung ano talaga ang ikakasaya ng isang tao tulad na lamang ni Andi na matagal nanirahan sa Manila.

Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram



Sapagkat ang talagang nagtulak sa aktres na si Andi na manirahan sa Siargao ay ang kanyang nag-iisang minamahal kundi si Philmar Alipayo. Nagsimula ang kanilang lovestory nang mag desisyon si Andi pumunta sa Siargao upang magbakasyon ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at pinagtagpo si Andi at ang kanyang naging true love.

Noong una, si Philmar pala ay hindi alam na si Andi Eigenmann ay isang artista sa kadahilanan na hindi ito madalas manuod ng telebisyon. Wala ding ideya si Philmar na ang ina ni Andi ay isang batikang aktres at kilalang-kilala sa larangan ng pag-arte. Hindi alam ni Andi at Philmar na ang kanilang pagtagpo ay hahantong na pala sa pagmamahalan na walang hanggan.

Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram

Hanggang sa dumating na ang panahon na nagdesisyon ang aktres na tuluyan nang namaalam sa buhay Siyudad at sumama ito sa kanyang naging asawa na si Philmar sa Siargao. Ito ang pinakamalaking desisyon na ginawa ng aktres sa kanyang buhay at makikita naman natin na siya ay sobrang saya sa kinalabasan nito. Sino nga ba naman ang hindi gustuhin manirahan sa mala paraisong kagandahan ng Siargao at doon mamuhay at bumuo ng pamilya.

Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Kung ating matatandaan, meron ng unang anak si Andi na babae na nagngangalang Ellie na kung saan hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ng dalawa kundi minahal din ito ni Philmar tulad ng pagmamahal nito kay Andi. Nito lamang nakaraang taon nagbunga ang pagmamahalan ng aktres at ni Philmar na kung saan biniyayaan sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang baby Lilo.

Hanggang sa kasalukuyan matibay pa din ang pagmamahalang Philmar at Andi, sa katunayan nag diwang ang magpartner ng kanilang anibersaryo. Binahagi ng isa’t isa ang kanilang mga matatamis na mensahe gamit ang kanilang social media account.

Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram



Post ni Andi “I made the best decision to choose happiness above all else. I am grateful for the life I have (and am able to give my kids), and without you in it, it wouldn’t be the same. Thank you for always making me feel like I am on top of the world. Happy anniversary my mahal!”

Hindi naman nagpahuli ang kanyang asawa na si Philmar at nag post ito sa kanyang Social Media account.

Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Post ni Philmar “Happy anniversary mahal ko. Mahalun ko kaw sanan ato little fam hangtod sa hangtod <3”

Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Sa mga mensahe na ibinahagi nila sa isa’t-isa ay nagpapakita lamang kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at madami nanamang mga netizens ang kinilig at nagsasabing masaya sila sa naging desisyon at buhay ng aktres na si Andi.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *