Rhap Salazar, proud na ipinakilala ang kaniyang non-showbiz partner sa madla

Maraming sumubaybay sa napakatalentandong bata noon na si Rhap Salazar mula noong ito ay sumali at nanalo sa ‘Little Big Star’ ng ABS-CBN talent show. Matapos ang kaniyang pagkapanalo ay sumikat ito at nakasama sa ilang proyekto sa industriya at nakilala rin bilang 13th World Champion sa Junior Grand Champion Performer of the world at ng Junior Grand Champion Solo Vocalist of the world.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar



Image courtesy: instagram/rhapsalazar

Matapos ang ilang taon ay hindi na gaanong lumalabas si Rhap sa ilang showbusiness projects subalit nanatili itong active sa kaniyang social media accounts kung saan patuloy pa ring sumusuporta sa kaniya ang kaniyang mga fans.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar
Image courtesy: instagram/rhapsalazar

Noong nakaraang Pebrero ay ibinahagi ni Rhap ang isang larawan na mayroon itong ka-akbay na lalaki na siya namang naging usap-usapan sa media. Sa unang pagkakataon ay inamin ni Rhap ang tungkol sa estado ng kaniyang love life at kung sino ang taong nagpapasaya sakaniya subalit hindi pa niya ito tuluyang ipinakilala sa media dahil na rin nais niyang magkaroon sila ng privacy.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar



Makalipas ang ilang buwan ay muling ibinahagi ni Rhap ang isang larawan kung saan tuluyan na niyang ipinakilala at ipinakita ang mukha ng lalaking ito na kaniyang tinatawag na ‘favorite person’.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar

“All people should be treated equally, regardless of who they are and who they love. Life gets better together. Happy Pride!”caption nito sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar

Kumpirmado nga na ito ang kaniyang non-showbiz partner sa kasalukuyan na kaniyang ipinopost noon sa kaniyang Instagram account. Bakas sa mukha ni Rhap na masaya ito at proud na proud na ipakilala sa mga netizens ang kaniyang minamahal.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar

Suportado rin siya ng kaniyang mga fans at followers sa kaniyang desisyon sa buhay kung saan masaya sila para sa singer dahil makikita ang happiness at love sa kaniyang mukha. Proud rin ang ilang netizens dahil sa katapangan nitong ipakita ang kaniyang tunay na sarili sa taong bayan kahit alam nito na posible siyang makatanggap ng kritisismo sa ibang tao.

Image courtesy: instagram/rhapsalazar

Love wins, ika nga nila!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *