Dating aktres na si Amanda Page, ito na ang kaniyang buhay at walang kupas na kagandahan ngayon

Sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa napakagandang aktres noong 90’s na si Amanda Page na nagkaroon ng ilang movie projects at daring roles sa industriya.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  



Isa sa kaniyang mga pinagbidahan na palabas na naging sikat noon ay ang palabas na “strict ang peyrents ko” kung saan katambal niya dito ang aktor na si Gary Estrada at kasama ang isa sa mga pinakasikat na komedyante na sina Chiquito at Elizabeth Ramsey bilang kaniyang mga magulang sa palabas na ito.

Hirap man noon si Amanda na magtagalog dahil lumaki ito sa ibang bansa ay namayagpag pa rin ang kaniyang karera sa industriya dahil sa kaniyang angking ganda at galing sa pag-arte.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  

Subalit matapos ang ilang taon sa industriya ay hindi na gaanong lumalabas at tumatanggap ng proyekto ang aktres at tuluyan na niyang nilisan ang karera taong 2000 upang magfocus sa kaniyang private life.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  

Para sa aktres ay hindi pangmatagalan ang pagiging isang aktres dahil mayroon pa itong nais na makamit sa kaniyang buhay. Bumalik ito sa US upang ma-achieve ang kaniyang mga goals sa kaniyang buhay at doon niya nakilala ang kaniyang partner ngayon.

Isa ng hands on mom ngayon ang aktres sa kanilang baby boy na si Mason sa kaniyang asawa na si Dr. Lee Mendiola.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  



Kahit sa States na nakatira ang aktres ay madalas pa rin itong umuuwi sa Pilipinas upang magbakasyon at makasama ang ilang mga kaibigan sa industriya.

Sa katunayan, sa tuwing siya ay nasa bansa ay tumatanggap ito ng ilang showbusiness guesting katulad ng paglabas niya sa isang episode ng ‘Magandang Buhay’.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  

Kilala rin si Amanda bilang isang napakagaling na dancer kung saan hanggang ngayon ay naipapamalas pa rin niya ang kaniyang kagalingan sa paghataw sa tuwing ito ay inaanyayahan mag-guest sa ASAP.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  

Sa ngayon ay focus ang aktres sa pagpapalaki sa kaniyang baby boy lalo na at ito ay nag-aaral na ngayon kung saan mas kinakailangan niyang tutukan ang kaniyang anak.

May ilang balita na nagta-trabaho ang aktres bilang isang nurse sa Staten Island subalit hindi ito kinumpirma ng aktres sapagkat mas pinipili na nito maging pribado ang kaniyang buhay.

Image courtesy: Amanda Page/Instagram  

Tumatanggap pa rin ng ilang projects si Amanda katulad ng pagganap nito sa isang episode ng ‘Ang Probinsyano’.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *