‘Sana lahat ng lalaki tulad mo’ ito ang pahayag ni Sheena Halili bilang paraan ng pagpapahalaga sa kaniyang asawa

Walang babae ang hindi naghahangad at nangangarap na magkaroon ng mabuting asawa. Kaya kung ang iyong kabiyak ay katulad ng kay Sheena Halili maswerte ka.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram



“Sana lahat ng lalaki tulad mo” ito ay isa lamang sa mga katagang pinost ng aktres sa kanyang social media account patungkol sa kanyang asawa na si Jeron Manzareno. Hindi mapigilan ng aktres ang sarili sa pagpapasalamat sa kanyang asawa dahil sa sobra nitong pag-aalaga at pag suporta nito habang nagbubuntis.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Sila ay kasalukuyang nasa pang-apat na buwan na bilang mag asawa at mas lalo pang hinangaan ng aktres ang kanyang asawa dahil sa sobrang pag-intindi nito at sa haba ng pasensya habang siya ay nagbubuntis.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Nagbahagi umano ang aktres ng kanilang mga throwback pictures ng sila ay hindi pa mag-asawa at meron itong mga maiiksing mensahe na nag pakilig sa maraming netizens na nakabasa.

Narito ang kanyang post at mensahe “Mula nung nag-date palang tayo at lahat yan, first. First out of the country trip (Singapore), first roadtrip, first time mo akong isama sa work, at yung last photo una naten date sa bahay ninyo sa Tagaytay,”

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Dagdag pa niya “Babe, masayang masaya ako ikaw ang asawa ko. Napaka saya ng life ko with you. Four months na tayong mag-asawa walang nag bago kung hindi mas minahal kita at ramdam ko rin na mas minahal mo ako at nakakatuwa gaano ka ka-asikaso sa amin ni baby”

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram



Sa pahayag ng aktres mararamdaman natin na puno ng pagmamahal at sobrang saya ng dalawa at hindi umano nito pinagsisihan na magpakasal sa kanyang asawa.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Pahayag pa ng aktres sa kanyang post “Grabe yung kasungitan na ginawa ko sayo nung 2nd month nating mag-asawa na di natin alam pareho bakit. Yun pala pregnant nako kaya kagulo na hormones ko haha. Pero natatandaan ko na kahit sobrang difficult ko na noon, iisa lang ang sinabi mo sakin. Asawa kita, mahal kita kung ganyan ka okay lang, kaya kita!”

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Ito na pala ang panahon na buntis na pala ang aktres at naging sanhi ito ng kanyang pagkamasungit ngunit hindi nag paapekto ang kanyang asawa sapagkat mas hinabaan nito ang pasensya at sa huli masaya nilang nalaman na ang aktres pala ay nagdadalang tao na.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

“Sana lahat ng lalake katulad mo. Para happy wife, happy life! @jemanzanero sobrang pogi mo nanaman sa post ko! labyu! Uwi ka maaga, pwede na tayo mag luto sa bahay! Di na maselan pang-amoy ko but no garlic pls!” huling mensahe ng aktres sa kanyang post na lalong nagbigay kilig at mapapa sana all ka na lang na sana makahanap ka din ng partner na tulad ng asawa ni Sheena Halili.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *