Rosanna Roces o kilala bilang si ‘Osang’ sa industriya, ito na ang buhay ngayon kasama ng kaniyang partner

Isa si Rosanna Roces sa pinakasikat na aktres noong 90’s dahil sa kaniyang mga drama acting at daring roles na pinagbidahan sa ilang mga proyekto sa showbusiness. Isa rin siya sa mga kauna-unahang aktres na nakatanggap ng kontrata ng Sieko Films na kilalang kilala noon.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces



Rosanna o ‘Osang’ ang kaniyang naging palayaw sa industriya subalit ang kaniyang totoong pangalan sa kaniyang tunay na buhay ay Jennifer Adriano Cruz.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Halos ilang taon rin siyang tumatanggap ng mga projects sa showbusiness subalit ngayon na nagkaka-edad na ang aktres ay mas pinipili na lamang niya ang simpleng pamumuhay at malayo sa ano mang kontrobersiya kasama ang kaniyang partner.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Marami man itong issue at kontrobersiya na naranasan sa media ay matapang pa rin si Rosanna na harapin ang anumang pangungutya laban sakaniya.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Sa katunayan, proud nitong ipakilala sa media ang kaniyang partner na si Blessy Arias na kaniyang nakilala noong siya ay teenager pa lamang.

Hindi man nag-workout ang marriage ni Rosanna sa kaniyang ex-husband na si Tito Molina ay masaya naman ito dahil nagkaroon siya ng dalawang anak sa kaniyang dating asawa at ngayon ay mayroon na itong mga apo na kaniyang inaalagaan.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces
Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Matapos ang ilang taon ay naging masaya ang relasyon ni Rosanna sa kaniyang girlfriend na si Blessy kung saan kanila ng ipinagpatuloy ang kanilang kasalan.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Sa isang pribadong resort sa Antipolo taong 2016 ay ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang seremonya ni Rev. Agbayani Crescencio, Jr. isang kilalang founder ng LGBTS Christian Church na tumatanggap ng mga kasalan ng mga LGBTS community.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces



Dumalo sa kasalang ito ang sikat na aktres na si Nora Aunor at ang direktor na si Adolfo Alix Jr. Ngayon ay pribado na ang buhay ni Rosanna at paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin ito ng mga projects sa industriya.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Simple na lamang ang kaniyang buhay ngayon kung saan madalas na lamang ito nagtatravel kasama si Blessy at masaya na siya na nakakasama niya ang kaniyang mga anak at apo.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Kuntento rin ang aktres sa kaniyang partner na si Blessy at patuloy na tumatatag ang kanilang relasyon.

Image courtesy: Instagram/iamrosannaroces

Isa si Rosanna sa pinakamagandang aktres noon sa industriya na may napakagandang hubog ng katawan na talaga namang kinagigiliwan ng mga kalalakihan noon lalo na sa kaniyang mga daring roles.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *