Masaya at kontento si Kim Domingo sa kaniyang buhay kahit napakatagal na nitong walang love life

Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, nahanap mo na ba ang the one mo? Kung hindi pa marahil napapabilang ka sa mga taong single. Tulad na lamang ni Kim Domingo na kinahuhumalingan ng maraming mga tao dahil sa taglay nitong kagandahan, na inaakala din natin na mayroon nang taong nagpapatibok ng kanyang puso.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram



Si Kimberly Domingo Mazon ay isang French-Filipina na ipinanganak noong Pebrero 3, 1995 at kasalukuyang 25 taong gulang. Siya ay dating dentistry student sa Our Lady of Fatima University bago natuklasan at naging parte ng Bubble Gang. Naging cover din siya ng FHM magazine noong disyembre 2015.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Ngunit ang inaakala natin ay kabaliktaran ng kanyang nararanasan dahil isang taon na ang nakakaraan nang ito ay nakipaghiwalay sa kanyang nobyo at hanggang ngayon siya ay single pa din. Nagpost sa kanyang instagram account ang sikat na aktres na para bang may gustong iparating na mensahe sa kanyang pagiging single.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram



Narito ang kanyang mensahe” People who have been single for too long are the hardest to love,”
Dagdag pa ng aktres “They have become so used to being single, independent and self-sufficient that it takes something extraordinary to convince them that they need you in their life,”

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Sa pahiwatig ng aktres sa kanyang post sa Instagram ay para bang sinasabi niya na siya ay matatag at sanay na sa pagiging buhay single dahil sa haba ng panahon na siya ay walang partner. Mas naging malakas at matalino na siya sa kanyang mga desiyson sa buhay, at kung meron man ang magtangka na siya ay ligawan, dadaan muna sila sa butas ng karayom para masabi na sila ay karapat-dapat para kay Kim Domingo.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Nabawasan umano ang bilang ng kanyang mga fans saad ng aktres simula nang hindi na siya nagpapas3xy at sa halip na siya ay maging malungkot, mas sumaya ang aktres dahil lumitaw talaga ang tunay na mga tao na humahanga at sumusuporta sa kanya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *