Rica Peralejo, masaya sa simpleng buhay kasama ang asawa nitong Pastor at ang kaniyang mga anak

Kilalang-kilala noon si Rica Peralejo sa industriya ng show business bilang isa sa mga magagaling na artista at nag-umpisa siya bilang miyembro ng “Ang TV” noong dekada 90.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo



Sa katunayan, marami sa mga manonood ang nag-aabang sa kaniyang mga gagawing pelikula at palabas sa telebisyon. Ganoon pa man, sa kabila ng kaniyang kasikatan ay dumating sa punto na kinailangan niyang talikuran ang buhay bilang artista at mamuhay ng tahimik kasama ang lalaki na nagpatibok ng kaniyang puso – si Joseph Bonifacio, isang Christian Pastor.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo

Simula ng kanilang pagsasama ay marami ang nag-iba kay Rica hindi lamang sa kaniyang mga kilos at gawa kundi pati na rin sa kaniyang mga pinaniniwalaan sa buhay. Makikita ang bagay na ito sa kaniyang social media accounts kung saan malaya niyang ibinabahagi sa kaniyang mga fans ang ilan sa mga pangyayari sa kaniyang buhay bilang isang ina at maybahay.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo

Kamakailan lang ay hinangaan siyang muli ng mga netizens dahil sa pagpapahayag niya ng kaniyang kasiyahan sa buhay na meron siya kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak na si Philip Nathaniel at Manu. Simple man ito kumpara sa buhay ng kaniyang mga kakilala at kaibigang artista ay kuntento na si Rica kung anong meron siya lalo na at sa paglipas ng panahon ay mas marami siyang natututunang aral sa buhay.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo
Image courtesy: Instagram/ricaperalejo



Sa katunayan, napakasimple ng aktres pagdating sa kaniyang buhay dahil madalas makita sa kaniyang Instagram account ang kaniyang mga larawan kasama ang kaniyang mga anak habang nakasuot lamang ng simpleng damit at walang makeup sa mukha. Kahit magulo pa ang buhok ng aktres ay hindi ito mapapansin dahil agad mapapansin sakaniya ang saya na kaniyang nararamdaman sa kaniyang buhay.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo
Image courtesy: Instagram/ricaperalejo

Sa edad na 40 years old ay nanantiling fresh at young-looking ang aktres kahit na busy ito sa pag-aalaga sa kaniyang dalawang anak. Marahil ang isang bagay na nakakapagpabata sakaniya ay dahil hindi na raw ito naaapektuhan ng mga negatibong komento ng mga tao. Natutunan niyang magpasawalang kibo kung ano man ang sasabihin ng ibang tao patungkol sa kanilang lifestyle mag-asawa.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo
Image courtesy: Instagram/ricaperalejo

“I so love this about us. It has been ten years of never being concerned of how we looked to others, whether they thought we were poor or old fashioned or weird, just because our values were never about the latest car, latest city, latest anything,” kwento ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/ricaperalejo

Hindi man ipinagpatuloy ni Rica Peralejo ang kaniyang karera bilang artista ay hindi pa rin siya tumitigil sa paggawa ng mga bagay na magbibigay inspirasyon sa nakararami. May ilang projects pa rin ang aktres sa industriya at patuloy pa rin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang buhay sa kaniyang Youtube channel.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *