Isinilang ni Max Collins ang kanilang pinakaunang anak ng aktor at asawa nito na si Pancho Magno

Isa sa pinakamagandang regalong matatanggap ng isang mag-asawa ay ang magkaroon ng isang biyaya na ipinagkaloob ng Poong Maykapal at ito ay ang anak. Isa sa pinakamasayang nabiyayaan ng nasabing regalo ay ang mag-asawang Pancho Magno at Max Collins.

Image courtesy: Pancho Magno/Instagram



Nito lamang nakaraang Lunes, Hulyo 6, 2020 ay nanganak ang asawa ni Pancho Magno na si Max Collins. Si Isabelle Abiera Collins o mas kilala sa pangalang Max Collins-Magno ay ipinanganak noong Agosto 28, 1992 sa California, U.S, isang aktres at model at kasalukuyang 27 taong gulang.

Image courtesy: Pancho Magno/Instagram

Samantala ang kanyang asawa naman na si Pancho Angelo Acuña Magno o mas kilala sa pangalang Pancho Magno ay ipinanganak noong Oktobre 23,1986 at kasalukuyang 33 taong gulang. Ang nasabing mag-asawa ay parehong nagtatrabaho sa Kapuso network bilang artista.

Image courtesy: Pancho Magno/Instagram

Sina Pancho Magno at Max Collins ay ikinasal noong Lunes, Disyembre 11, 2017 sa Marriott Hotel sa Pasay City. Nag anunsyo ang istasyon kung saan nagtatrabaho ang mag asawa na nanganak na nga ang isa nilang Star na si Max Colins nito lamang Lunes. Kung kaya madami sa mga netizens ang nasasabik na makita at makilala ang anak ng kanilang mga idolo.

Image courtesy: Pancho Magno/Instagram



Saad naman ng mag asawa na magkakaroon sila ng sarili nilang anunsyo tungkol sa kanilang anak. Kung kaya subaybayan natin ang unang sulyap sa anak nina Max Collins at Pancho Magno. Madami tuloy sa mga netizens ang nag aabang at nagtatanong kung kailan nila balak mag anunsyo at ipakita sa publiko ang kanilang munting anghel dahil gusto na nila malaman kung sino sa mag asawa ang kamuka ng kanilang anak.

Image courtesy: Pancho Magno/Instagram

Bago pa man manganak ang sikat na aktres nagpahayag na siya na sa bahay lang niya balak manganak dahil sa pangamba sa pandemya na hinahanarap ng ating bansa kung kaya mas pinili niya ang water birthing.

Image courtesy: Pancho Magno/Instagram

Bakas sa mga ngiti ng mag-asawa ang kasiyahang dulot ng bagong miyembro ng kanilang pamilya at napakagandang biyaya mula sa maykapal.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *