Napahanga ng anak ni Manny Pacquiao ang mga netizens dahil sa kagalingan nito sa sining ng pag-Rap

Si Michael Pacquiao ay ang pangalawang anak ng sikat na boksingero at kasalukuyang senador na si Manny Pacquiao sa kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao. Nito lamang mga nakaraang araw ay pinagkaguluhan ng mga netizens ang isa sa mga post ni Michael sa kanyang social media account na kung saan makikita siyang nag Rarap.

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram



Madami sa mga nakapanood ng bidyo na ito ay napahanga sa talento na ipinamalas ni Michael kung kaya madami sa mga netizens ang nagsabi na malaki ang tsansa na ito ay sumikat at makilala sa larangan ng musika sa genre na rap.

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram

Si Michael Stephen Pacquiao o mas kilala sa pangalan na Michael Pacquiao ay ipinanganak noong Disyembre 12, 2001 at kasalukuyang 18 taon gulang na. Siya ay ang ikalawang anak ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Meron din siyang apat pa na kapatid na nag ngangalang Emmanuel Jr. (panganay), Mary Divine Grace (Ikatlong kapatid), Queen Elizabeth(Ikaapat na kapatid), at si Israel na bunsong kapatid.

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram

Ang rap na ipinamalas ni Michael ay tungkol sa kanyang ama na si Manny Pacquiao na pinamagatang “Pac-Man”.

Isa sa mga komento ng Netizens sa rap ni Michael ay ang mga sumusunod:

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram

Ayon sa komento ng isang nagngangalang Tsen, ang anak ni Manny Pacquiao na si Michael ay makakagawa ng sarili nitong pangalan sa industriya.

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram



“THIS MICHAEL PACQUIAO’S RAP IS SO LIT UGH!! ” komento ni Melpoy.

“michael pacquiao is definitely a rising filipino rap artist no capppp” komento naman ni Anton.
Marami pang mga netizens ang nagpahatid ng pag hanga sa ginawa ng anak ni Manny Pacquiao.

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram

Sa kasalukuyan, umaabot na ng 800,000 pataas ang bilang ng mga nakapanood sa bidyo ng kanta ni Michael Pacquiao. Ang rap umano na ginawa ni Michael ay patungkol sa kagitingan,katapangan at kalakasan na pinamalas ng kanyang ama sa kanyang mga kalaban sa boksing.

Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Michael Pacquiao/Instagram

Tunay nga na iba-iba ang maaaring maging talento ng isang anak at hindi lahat ay sumusunod sa yapak o propesyun ng kanilang ama kundi gumagawa ang mga ito ng sarili nilang pangalan sa larangan na kung saan sila’y makikilala.

Panuorin at pakinggan rito: Michael Pacquiao (Michael Bars- Pac-man)





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *