Aktres na si Ciara Sotto, walang kupas pa rin ang kagandahan sa edad na 40

Isa sa pinakamagandang regalo na natatanggap natin sa ating buhay bawat taon ay ang pagdating ng ating kaarawan. Kung minsan man ay nakakalimutan natin, ngunit may mga taong nagmamahal sa atin ang nagpapaalala ng ating pinakaespesyal na araw.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram



Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram

Wala ng ibang hihilingin pa si Ciara Sotto sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan kundi ang pagpapasalamat pagkatapos mabigyan ng malusog na pangangatawan, paggabay sa kaniya ng Poong Maykapal at sa pagdagdag na naman ng isang pang taon sa kaniyang edad at buhay.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram

Masayang ipinagdiwang ng celebrity pole dancer ang kanyang ika-40 kaarawan na may temang kulay ginto at lilang bash noong Huwebes, July 2, 2020. Sa kaniyang Instagram ay pinasalamatan niya ang mga taong nagpakita ng pagmamahal sa kaniya sa nakalipas na apat na dekada.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram
Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram



Sinabi niya, na ang kaniyang boyfriend na si Ian Austin kasama ang kaniyang sister-in-law na si Joy Sotto ay binigyan siya ng isang “whole day of surprises.” Si Ciara Anna Gamboa Sotto o mas kilala bilang si Ciara Sotto ay isang Pilipinang aktres at mang-aawit.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram

Si Ciara ay ang bunsong anak na babae ng aktres na si Helen Gamboa-Sotto at Senador Vicente “Tito” Sotto III. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 2, 1980 sa Makati. Sa edad na 6 na taong gulang una siyang lumabas sa programang Eat Bulaga! At ng kalaunan ay naging isa sa mga regular na host ng palabas mula 2005 hanggang 2012.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram

Sila ay mag first cousin ni Sharon Cuneta (ang kanilang mga ina ay magkapatid). Mga pinsan din niya sina Danica at Oyo Boy Sotto. Siya ay ikinasal sa negosyanteng si Jojo Oconer noong 2010 na kung saan sila ay may anak na na nagngangalang Vicenzo Jose na ipinanganak noong Marso 2015.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram

Samantala, noong Enero 2016, si Ciara Sotto at ang kaniyang asawang si Jojo Oconer ay hiwalay na.
At ngayon ay masaya na sa kaniyang buhay pag-ibig na kung saan ay isinapubliko niya at ipinakilala noong Nobyembre 18 ang taong nagpapatibok ng kaniyang puso at ito ay walang iba kundi si Ian Austin.

Image courtesy: Ciara Sotto/Instagram

Si Ciara ay isang magaling na mang-aawit at siya rin ay marunong magpatugtog ng piano.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *